"Pinuntahan agad sya ni Rei at nang makapunta sya sa kotse ay itinabi nya sakin si Rose, mukang kasabayan ko pa syang manganganak."

"B-buntis din po si m-mama?"

"Oo. Sinimulan ng magbyahe ni Rei pero parehas na naming hindi kinaya ni Rose. Mas nauna akong nanganak sa kanya at sinilip ko kung anong itsura ng anak ko." Nagsimulang umagos ang kanyang luha. "Tuwang-tuwa ako nang makita ko ang muka mo habang umiiyak. Pagkatapos 'nun ay nanganak din si Rose pero nawalan ako ng malay. P-paggsing ko, nakita ko ang sanggol na nasa tabi ko, sobra akong nagulat kasi ibang muka ang nakita ko. Hinanap kita pero hindi kita nakita at wala na rin sa sasakyan sina Rei at Rose. May napansin akong isang papel na may sulat ni Rei.

'Pasensya na kung ipinagpalit ko ang anak ko sa anak mo. Gusto ko lamang na lumaki sa kaginhawaan ang anak ko kaya ko nagawa 'yon. 'Wag mo na kaming subukang hanapin ni Rose dahil hindi mo na kami makikita kahit pa ang anak mo.'

H-hindi ko alam kung anong gagawin ko noon. Sobra-sobra akong nanghihina. Wala akong nagawa kundi umiyak." Naramdaman kong nag-iinit na din ang mga mata ko. "Lumipas ang mga taon, inalagaan ko ang anak nila kahit masakit para sakin. Ayoko naman kasing idamay sya. Ilang taon din akong kumilos para ipahanap kung saan nakatira sila Rei pero walang nakakita sa kanila. Nagpapadala na lang ng sulat si Rei at Rose ng mga litrato mo pero yung nilalagay nilang address nila ay mali kaya nawalan na ako ng pag-asa na makita ka pa." Napahagulgol sya at 'di ko na napigilang umiyak. Ako na ang kusang lumapit sa kanya at niyakap ko sya. Kaya pala ganun na lang ang trato sakin ng mga nakilala kong magulang, hindi pala kasi nila ako anak. Ang tagal-tagal kong nagtiis sa bawat kamay nila na humahataw sakin. Pero ngayon pakiramdam ko, nabunutan ako ng isang napakalaking tinik. Ang gaan ng feeling ko.

"M-mommy.." Kahit medyo naiilang ako sa pagtawag sa kanya ng 'mommy' ay ginawa ko pa rin. Pagkatapos kong sabihin 'yon ay napangiti ako.

"Grizelle.." Niyakap nya din ako ng mahigpit.

Humiwalay ako sa yakap at tiningnan ko sya. "I-ibig sabihin po, kapatid ko si Marjorie?"

Pinunasan nya ang luha ko. "Hindi anak.. She is the daughter of Rei and Rose."

Nagulat ako sa narinig ko. Tumingin ako kay Sei at ganun din ang reaksyon nya. Ibig sabihin..si Marjorie dapat ang naghirap noon, hindi ako..

----

"Sige na kumain na kayo." Sabi samin ni mommy. Nagbake sya ng cake at tumulong din kami ni Sei. Nagluto kami ng spaghetti at bumili na din kami ng drinks. Sabi kasi ni mommy, dapat daw magkaroon ng celebration pero sabi ko sa kanya, wag ng bonggahan kasi kaming tatlo lang naman. Nalaman ko sa kanya kanina na matagal na palang namatay si daddy dahil sa car accident. Sayang, hindi ko man lang sya nakita sa personal. Tanging sa picture lamang.

"Tita sorry po talaga." Sabi ni Sei. Kanina pa sya nagsosorry kay mommy kasi nakipagbreak sya kay Marjorie.

"Wag kang mag-alala iho. Mukang hindi talaga kayo ang para sa isat-isa." Malungkot na ngumiti si mommy.

"Hay naku mommy! Sumali ka samin dito!" Tumayo ako at pinaghila ko sya ng upuan. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko.

My Kontrabida Love [editing]Where stories live. Discover now