FACING THE PAST

1.4K 66 1
                                    

Nagising ako nasa maputing silid. Nakaramdam muli ako ng takot. Asan na si Maki ?? nawala ang aking kaba ng makita ko hawak nya ang aking kamay at ng makita nya akong gising na ay niyakap ng mahigpit, naramdaman ko ang mabini nyang halik sa aking ulo. Hindi ko mapigilan umiyak.
" Sshh.. Sion, its alright I am here, Huwag kang matakot okey ? " Masuyo nyang niyakap ako at hinayaan umiyak at ubusin ang luha matagal ko ng tinago sa aking puso. Napakahirap ang maging biktima ng abuso, lalo sa murang gulang ko noon. Tila ito isang bangungot na pilit bumabalik sa aking isip at isang dagok na yung tao na sumbungan mo sana at lalapitan mo sa oras ng panganib ay siya pang magtutulak saiyo para mawalan ng kumpiyansya sa sarili. Oo, sinisi ako ng aking ina sa masamang balak ng aking tiyuhin. Ako pa ang tila nag bibigay daw ng motibo sa aking amain. Kaya't sa sobra sama ng loob ay tuluyan akong umalis sa aming bahay at tumira sa lansangan. at sa kabutihang palad at napadpad ako sa Bahay ampunan na syang nag pa aral sa akin at nagkupkop. Ngyon ay tila bumalik lahat lalo't nakita ko ang lalaking kinatatakutan ko.
" Look at me. Sion.. " nagulat ako matagal pala ako nakatingin sa kawalan. Tumingin ako sa mata ni Maki na punung puno ng pag alala. Ginagap nito ang aking kamay at hinalikan muli ng masuyo at marahan.
" Dont be afraid Nandito ako lagi para saiyo. I will always protect you no matter what. "
Oo nga pala isang detective si Maki, isang alagad ng batas, nasa puso at isip ang pag protekta sa ibang tao.
" S-sorry Mak.. Okey na ako. "
" Care to tell me?? "
Tumango ako at sinabi ang lahat lahat sa kaniya, nakikita ko ang pagkunot ng noo nito at pagkuyom ng palad nya lalo sa parte na sinasalaysay ko ang pagkakataon na muntik na akong mahalay. Niyakap nya ako at muling bumulong.
" Huwag kang matakot, nandito ako lagi sayo at para sa baby natin. Huwag mo ng alalahanin yun. Sisiguraduhin ko saiyong hindi kaniya gagambalain. "
Natuwa ako marinig yon at tila nagkaroon ng kapayapaan ang aking puso. Ang aking mahal na Detective.

Nakatulog ako muli sa kaniyang bisig. at hindi na nakita ang pag igting ng panga ni Maki at marahan akong inayos sa kama. Hawak nito ang cellphone at nag dial.
" Verona I need an output Stat. I need you to search a certain man. "
Tumango tango ang binata.


Note ; Salamat sa pagtiyaga maghintay ng update. Thank u sa pag boto sa pag follow maging sa iyong mga komento.
Mga ilang chapters na lang ito at matatapos na.

the DETECTIVE and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon