MEET SION

3.2K 92 7
                                    

Note ;
Natapos ko na po supposed to be ang chapter na ito ngunit uulitin ko na naman dahil bigla syang nawala..

Isang napaka busy umaga ang araw na ito para sa akin, Maraming errands na gagawin, Ako Sion Buena, twenty seven years old, single.pa rin and currently walang lovelife, Bitter lang ? Bukod sa pagiging admin ng Lifechildren Home dito sa laguna, simple lang ang buhay ko. Kailangan ko ipa renew ang aming license to operate sa ampunan. 5 years na itong nagsimula at may dalawampu bata na ang aming kinukupkop sa ngayon.
" Miss Buena, ito na po yung mga additional na requirements nyo " kinuha ko sa babae ang papel na inaabot nya. Dito ako ako sa receiving area ng District 4 ng DSWD. Pinasadahan ko ang mga kailangan. Need ko pala pumunta sa munisipyo para maumpisahan ko na ang pag kumpleto ng requirements. Nasa kabisera ng bayan ang.munisipyo, nandoon din ang police station. Isang building lang sila. Nagmamadali na ko sa paglalakad dahil pihadong napakahaba ng pila sa pagkuha ng sedula. Hanap.ko aking ballpen sa aking bag ng naramdaman ko ang isang bulto ng katawan na tumama sa akin at nakit ko na ang sarili ko sa sahig at nakadagan sa akin ang isang napaka gwapong lalaki. Hindi ko naramdaman ang sakit sa.pagkakabagsak dahil pinagsalikop nya ang kaniyang kamay sa aking likod bilang panangga sa sahig.
" Okey ka lang Miss ?" Tanong nito.
Pinamulahan ako ng mukha dahil napaka awkward na aming posisyon. Dali dali akong tumayo at ngumiti sa lalaki.
" Sorry,.. " sabi ko. Nakakunot ang noo nito at ngumisi. Mukhang artista ang lalaking ito. Naka poloshirt ito at naka denim pants.may biloy sa pisngi at crew cut ang buhok.
" Miss, hindi mo na kailangan akong bungguin para makilala... " sabi nito muli at lalong ngumisi.
" Huh ? " anong sabi nya ?
" Lumang style na yan Miss ? Muntik ka pa tuloy masaktan ?
Kung kanina ay tingin ko sa kaniyang ay angel ngyon ay isang demonyong anghel! Dont get me wrong, sanay akong makisalamuha ng tao paano pa naging social worker ako. Pero sobrang hangin naman at napaka conceited ng lalaking ito. Gwapo nga eh.napakayabang naman.
" Ah, Mister, nagkakamali.ka. Hindi kita type !!! Jerk !!! " napanganga sya ng sinigawan ko sabay talikod sa kniya. Narinig ko ang halakhak nya.
" Badtrip !!! " ano ba naman klase ito. Hay naku, bakit kaya may mga ganyang klaseng lalaki. Oo na, gwapo nga pero kung ganoon naman kayabang. Nagmamadali na akong pumunta sa kabilang building kung nasaan ang police station. Dont get confused. Hindi ko i b blotter yung napakayabang na lalaki. Kukuha.lang ako ng police clearance, mahaba na ang pila. Hanap ko na naman ang aking.pahamak na ballpen. Sa ganoon pagkakataon, biglang may nagsigawan at nagkagulo ang mga tao. Sa sobrang bilis ng pangyayari. Natagpuan ko ang aking sarili. May nakatutok na baril sa aking ulo at hawak ng isang lalaki.
" Is this day getting worser ??? " Mamatay na ata ako today..
Takot ang aking nadarama this moment. Nakita ko ang napakaraming pulis na nakaplibot sa amin. Lalong kong naramdaman ang higpit ng kapit na lalaki sa akin. Ramdam ko ang pagiging desperate nito. Nakita ko muli ang bwisit na lalaki.kanina. nasa bandang gitna sya at may hawak na baril.
" Baril ??"pulis din sya?" Oh no.

the DETECTIVE and IWhere stories live. Discover now