HOSTAGE

2.1K 95 3
                                    

Ako si Bon Mackinley Sepeda, 10 years na ako detective, mahusay sa larangan ng baril at hindi naman sa pagmamayabang ay marami na rin ako kasong nahawakan na na solved, Isa na nga dyn ang pagdakip sa notorious na si Madame A , nagkidnap pa sa childhood friend ko si Reema asawa ng aking kaibigan si Gabriel, natutuwa naman akong nasa maayus na silang kalagayan.
Maganda ang gising ko ngayon, may patawag si Chief Ramos, may bago siguro kaso na ibibigay sa akin. Papunta pa lang ako sa opisina ng mabangga ako ng isang babae nagmamadali, Natumba kami pareho pero naisalikop ko ang kamay ko sa likod nya kaya hindi naman sya nasaktan kaya lang ay napaka awkward ng aming puesto. Pinamulahan ng pisngi ang cute na babae, Cute kase medyo may kaliitan sya, maputi at nakatali ang kanyang itim na tila hangang balikat nyang buhok, Mamula mula ang labi nito at mapungay ang mata, Hindi ko alam ngunit naisipan kong biruin ang babae
" Okey ka lang Miss? " tanung ko at nakita ko ang pagtitig nya saken.
" Lumang style na yan Miss ,muntik ka pa tuloy masaktan " pabiro kong sabi sabay ngisi sa kaniya. Ngunit nabigla ako ako sa pagsigaw nya at sinabihan akong mali ng akala at hindi ako type !! At nagmamadaling umalis. Natawa ako sa ginawa nya. Hindi ko akalain na yung maliit na babaeng yun ay may tapang na tinatago. Nagsisi tuloy akong sa aking pagbibiro at hindi ko man sya nakilala. Inayos ko na lang ang aking sarili at nasalubong ang aking isang kasamahan. Hindi maiwasan na magkwentuhan sa kani kaniyang napuntahan. Nasa ganoon aking sitwasyon ng may narinig kaming pagkakagulo at sigawan. Na alerto na kami ng kasama ko at dali daling pumunta sa dako ng may gulo. At nakita ko habang tinututok ko ang aking kamay na may baril. Si Miss Cute!! Sya ang na hostage !!! Nakita ko ang pamumutla nya at takot. Nakakapit mabuti sa kaniya ang hostage taker. Kailangan ang mabilis na aksyon. Nagkatinginan kami ng aking kasama. Sumigaw ito at tinawag ang lalaking hostage taker.
" Huminahon ka pare !! Mas lalo mong pinabibigat ang kaso mo" nadistract ang lalaki at yun din ang pagkakataon na kinagat ni Miss Cute yung kamay at nakabitaw ito at yung din ang sinamantala kong tiyempo para mag asinta. Tumunig ang gatilyo ng aking baril at natamaan sa balikat at lalaki. Tuluyan nya na nabitawan ang hostage nya at ang kaniyang baril. Dali dali akong lumapit kay.Miss Cute. Pero nakita ko ang pagtirik ng mata nito at tila nauupos na kandila bumagsak. Nasalo ko na sya bago tumama sa sahig.
" Tsk, takot ata ito sa dugo." Nagkanya kanya na ayus ang aming kasamahan.
" Good Work Sepeda!!! "
Tumango lang ako pangko ang babaeng walang malay at dinala ko muna sa clinic. Magaan lang naman ang babae at mas lalo kong namasdan ang simple mukha nito,walang make up. May asawa at anak na kaya sya ? Cute nya talaga kahit medyo matapang at masungit. Tinignan ko ang kaniyang id sa wallet nito. Sion Buena 27 years old at isang license social worker. Single.
Interesting....

Note ; Salamat ulit sa pagbabasa at pag vote at pag support nyo..

the DETECTIVE and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon