RESCUED but then...

1.5K 72 3
                                    

Mabuti na lamang ay hindi malalim ang pagkaka baril sa akin. Nagising muli ako sa isang ospital, we are rescued yun ang aking naisip. Ngunit makalipas ng ilang araw sa ospital ay hindi ko na muli nakita si Maki ang tanging nag bibigay sa akin ng update nangyari. Nahuli naman ang mga salarin ngunit ang binatang detective ay hindi na muli nagpakita.
" Mabuti na siguro yun na magkalimutan na kami tutal tila wala naman halaga sa kaniya ang mga nangyari, ngunit magkagayon man ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng kirot sa aking puso." kayat nagbalik na ako sa aking mga usual na gawain. Sa Home. Sa mga bata. Sa pag aasikaso nga mga papel ng home.
Dahil sa panibagong pasok ng taon kailangan ko na naman maglakad ng nga permit kaya napilitan ako muling mag tungo sa munisipyo kung saan alam ko nandoon nag trabaho si Detective. Aminin ko o hindi pero may pag aasam ako makita sympre. Asa pa rin ang peg. Kaya mas maaga ako nagpunta sa munisipyo. Nakita ko ang mangilan ngilan tao. Palinga linga pa ako umaasang makita sya. Hindi ako binigo ng panalangin ko dahil nakita ko sya nakatalikod sa akin pero kilalang kilala ko ang bulto ng katawan nya. Gusto ko sana syang kalabitin ngunit ako mas nagulat dahil pagharap nya ay may babae nakahawak sa kaniyang mga kamay. Kumirot ang puso ko. Hindi ko mapigilan. Pero pinigil ko ang aking sarili na mag react. Nakangiti ang babae sa akin. Maganda, maputi at kulot kulot ang mahabang buhok nito. Nahiya tuloy ako sa aking suot. Naka jeans at puting tshirt at isang body bag na kasya ang aking mga papel na kinakailangan sa paglalakad.
" S-sion?.. " simula nya. Hindi ko na tinapos ang kaniyang sasabihin. Ayoko marinig ang kaniyang sasabihin. Ipapakilala nya siguro sa akin ang babaeng kahawak nya ng kamay. Kaya inunahan ko na sya magsalita.
" Uy, Detective Maki, salamat nga pala ha.. S-sige mauuna na ako. Napadaan lang ako. " Nakita ko ang pag awang ng kaniyang labi ngunit hindi ko na hinintay ang kaniyang sasabihin. Napakasakit pala. In denial lang pala ako, pero apektadong apektado ako. Pero wala naman akong karapatan. Hindi naman kami at wala naman kaming relasyon. Pero bakit ganun. Nahulog din ang loob ko sa kaniya at alam ko kaya't hinayaan ko may mangyari sa amin deep inside may pagtingin na rin ako sa kaniya. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko na mahal ko ang binata. Pero wala naman syang pagtingin sakin sure ako dahil kung.meron man sana after namin ma rescued nagpakita man sya. Gusto lang siguro makalimutan ang lahat. Gusto nya siguro iparating na wala lang yun nadala lang ng pagkakataon.
Hindi ko na naisip paano pa ako nakauwi. Pero isa lang sigurado ko. Sobrang sakit. Ganoon pala yun..hindi mo inaasahan, hindi mo.matuturuan. sobra akong affected nakita rin ito ng mga staff sa LifeChildren kaya minabuti ko muna magbakasyon. Hindi ko pinaalam sa kanila kung saan ako pupunta mabuti na rin yun. Para higit na makapagpahinga ako sa isip.
Naisipan kong pumunta sa Cavite. Sa isa kong malayong pinsan. May bahay siya ron at nasa abroad naman ang aking pinsan kaya pwede ako duon sa kaniya manuluyan.
Halos isang buwan ng mahigit ng umalis ako sa Home. Nakatulong naman sakin ang pag babakasyon ngunit nitong mga huling araw ay napapadalas ang aking pagsama ng pakiramdam. Nandoon pagkahilo at pagsusuka lalo sa umaga. Baka low blood at dahil sa aking mga nakain at hindi ako natunawan. Malapit sa dagat ang aking pinanunuluyan. Ito ang dahilan kung bakit ninais ko dito. Gustung gusto ko ang dagat. Peaceful tila isang napakagandang tanawin na magbibigay sayo ng kapahingahan. Hindi naman ako marunung lumangoy. Hindi ko sya nabigyan ng pagkakataon dahil sa naging masalimuot din ang aking kabataan. Katulad lang ng mga bata sa orphanage. Mga inabandona ng kanilang.magulang or yung iba naman ay naulila na. Mga nakaraan na ayaw na ayaw ko nang balikan. Tulad din ng naging damdamin ko kay Maki. Mahal ko pa rin sya. Panahon na lang.makapagsabi kung makalimutan ko ito. Gaya ng ginawa ko ko tuwing umaga makatapos mag almusal. Kaunting hilo at hindi naman ako nagsuka ngayong umaga. Naglakad lakad ako sa tabing dagat. Gustung gusto ko kase pagmasdan ang sunrise. Naglakad lakad pa ako. Naisip ko na naman siya. Kailangan ko na siya kalimutan lalo't tila may girlfriend na yun. Malinaw ang tubig mangasul ngasul ito at nag beberde ang kulay ng dagat. May nakapagsabi sa akin na kapag ang kulay daw ng dagat ay berde mababaw daw yun ngunit kapag ma bughaw napakalalim nito. Napasyahan ko na manguha muli ng mga shells. Hindi ko napansin na may taong nagmamasid sa akin. Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa. Sa paghahanap ko ay may isang katang o maliit na alimasag ang biglang lumabas sa buhangin na dahilan upang mapasigaw ako at matumba sa aking kinatatayuan. Ngunit hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko dahil may mga bisig na sumalo sa akin.
" Ingat naman.. Miss Cute.."
" Maki ??? "

Note : Pagpasensyahan nyo na po aq sa sobrang tagal mag update. Muli maraming salamat sa vote. Sa mga nagtitiyaga magbasa at mag comment at follow

Happy 2016 ;-)

the DETECTIVE and IWhere stories live. Discover now