Chapter Forty Two- Ex Wars

Magsimula sa umpisa
                                    

 "Wala naman yun eh. That person.. She's... she's... nothing."

Nothing? They way he say the pronoun she's so affectionately?

"Then, sino yun?" hinarap ko siya. Gusto kong paluin ang sarili kong bibig dahil hindi rin pala ako makakatiis. I'm dying to know who's Cleo.

"Wala nga yun."

"Wala? Riiight."

"Wala nga yun Zylie. Bakit kailangan mo pang alamin?"

"Ako talaga yung may kasalanan dito eh nuh? Mapanghimasok ako." 

 "That's nothing. She's nothing. Okay?"

"Tama ka. Wala 'to. Nasaan ang mood ball ko? Uwi na ako." 

Sapilitan kong hinanap ang kahati ko ng mood ball at bumaba. Hindi ko alam kung bakit ko pa hinanap yun kesa umalis na lang sana ako at napabilis pa. Unconsciously ba may delaying tactics din ako?

Pagdating namin sa baba. Nakita ko ang kambal at hindi ko na namalayan kung sino dito si Orange.

"Sorry, kuya." nagsalita ang isa. Eto nga si Orange. Etong nasa may pinto. "Sorry ate."

"Clean it up. And arrange the rack."

Arrange the rack? So hindi niya talaga itatapon yun? Remembrance? At binilin pa talaga na ayusin? Sa harap ko. 

This is the last straw.

"Uuwi na ako."

"Okay. Bye." sagot ni Silver.

So this is my day. Umabsent sa klase. Nag-cutting clases, para lang dito. Good job Zylie, sinira mo lang naman ang buhay mo. Eto ang unang step ng pagkapariwara ng buhay. Step 2 na ako mamaya. 

Paglingon ko (at hindi ko talaga alam kung bakit ko pa ginawa) nakita kong paakyat na si Silver. At para akong sinasaksak ng maliliit na kutsilyo sa dibdib. Bakit ganun, ang sakit lang? Literal na masakit kapag na-ignore ka?

Napakadaya. Ako na nga yung nakakita ng ganun. Parang ako pa may kasalanan. 

Palabas na ako ng pinto ng bigla itong bumukas. Halos mauntog pa ako eh. Swerte na rin, kahit papaano. 

"Oh, you are here!"

This is not happening. Mommy ni Silver. Si tita Marianne este si Dr. Torres smiling at me, almost shining. Gusto ko tuloy mapakanta ng Shine Bright Like a Diamond. Muntik na tuloy akong matawa at that thought.

"Mommy! Bakit po ang aga niyo today?"

"Hi mom."

Sinalubong siya ng kambal. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Napako na ako sa kinatatayuan ko.

"Your ate Poty texted me, may sakit daw ang kuya?" tumgingin ito sa akin "And you are here. Thanks for being here for my son."

"Kilala mo na si ate Zylie mommy?"

Papaalis na nga po ako eh. Paano pa ako makakaalis kung pinapasalamatan ako dahil nandito ako. Naisip ko, ang sweet lang ni Dra. Umuwi lang dahil may sakit ang anak. Syempre, sa dami ng ginagamot niya sa ospital na anak ng ibang tao. Unahin niya muna ang anak niya. 

Maya-maya pumasok din ang isang lalaki. Middle-aged man na may jawline na pamilyar. Kinabahan ako. Nakita ko si Silver 20 years from now. Kaya pala hindi niya kamukha si dra. Torres. Para silang pinagbiyak na bunga ng tatay niya. 

Tumingin ito sa akin. Gulat ang nakita ko. Hindi ba sila sanay na babae dito? Na may bisita? Nakakahiya naman ang spotlight na ito.

"Daddy! Si ate Zylie." hinila pa ako ni Orange.

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon