Chapter Seventy Two- Abroad

Start from the beginning
                                    

Umubo na ulit siya at bumagsak kaya inalog ko siya. "Grandma.. Paparating na ang mga ambulance... Makakaya mo pang mabuhay" Umiling naman siya. "Hanggang dito nalang ako.. Gusto ko nang makasama si Oliver sa langit. Mahal na mahal ka ng mga magulang mo Jasper, pati kami. Lagi mong tatandaan..... Nandito lang kami para sa'yo at we will always guide you..."

"Grandma, sino ba 'yung babaeng makikilala ko?"

"Waiting....is a good sign of true love and destiny.... Remember, grandson.... I-I always know the future" Nakangiti niyang ipinikit ang mga mata niya. "G-Grandma!" Sigaw ko at inalog siya. "Grandma!!!" I shouted. Nakita ko 'yung kamay niyang bumagsak. Just like what Abigail did kanina lang.

Umiyak na naman muli ako..

-Robert Lee's PoV-

"Itaas niyo ang mga kamay!" Lumingon ang lahat sa mga Police na kadadating lang. Tinaas namin lahat ng kamay. "Sinong biktima dito?!" Tanong ng isang Police na nasa gitna. Tumayo naman agad ako kaya lahat ng Police itinutok sa akin ang baril. "Baba! Baka gusto mong mabaril?! Magsalita ka!" Sigaw nito.

"Please, arrest me" Mahinahon at makatotoo kong sinabi. Nagulat silang lahat at napalingon sa akin lalo na si Jasper. "A...Ako talaga ang may kasalanan nang lahat ng ito.."

"Bossing, anong sinasabi mo?" Rinig kong sabi ni Ken sa kabilang linya. Inalis ko 'yung nakakabit sa tenga ko at sinira iyon. "Ikaw ba ang pumatay sa mga taong ito?" Tanong ng isang Police. "Yeah. I was. At balak kong magpanggap na biktima rin gamit ang pagsugat ko sa sarili ko" Pagsisinungaling ko. "Sumusuko na ko" Sabi ko at binitawan ang baril ko.

"Arrest him!" Utos ng Police at bago pa sila makarating ay nagsalita ako kaagad. "May... Gusto pa sana kong aminin..." Sabi ko. Napatigil naman ang Police at nanatiling nakatingin lang sa akin. "And what is it?" Tanong ng isang Police.

"Mr. Williams...matagal nang walang balita kung sino ang pumatay sa kanya... At ako ang pumatay. Sa kadahilanang gusto kong maghiganti dahil sa kaibigan kong si Ash David Carter" Tumingin ako kay Jasper na umiiling at nagsisimula nang umiyak. Alam kong siya ang pumatay kay Williams, pero hindi maaaring masayang lang ang buhay ni Ma'am Zedekiah dahil lang makukulong siya sa huli.

Gusto kong....maging mabuhay pa siya ng mas malaya.. At gusto kong sumaya na siya. "Ako rin ang pumatay kay Adam Cruz na nag-iisang kapatid ni Ivan Cruz, ginawa kong suicide ang nangyare.." Napatingin sa akin si Ivan na gulat na gulat. Alam naming lahat na si Jasper talaga ang gumawa nun. Pero inako kong ako ang pumatay para hindi siya makulong. "Patawad, Ivan.." Seryoso kong sabi kay Ivan. Napaluhod nalang siya sa sobrang gulat.

"Mrs. Kate Navarro, Adam Cruz, Mr. Williams, Jarvie Jin Arasco Scarlett, and Art Patrick Scarlett. Iisa lang ang pumatay sa kanila.... Walang iba kundi AKO LANG" Pag-aamin ko. Pinosasan ako ng isa at nakita kong humarang si Jasper sa harap ko. "Papa... Anong ginagawa niyo?" Tanong niya habang umiiyak.

"Gusto kong maging masaya ka. Natatandaan mo pa ba dati na tinanong mo sa akin? Tutal ay tapos na ang mission mo, Pwede ka nang magmahal. Sana, patawarin mo ako. Sana hindi kita dinala sa sitwasyong ito. Sana ako nalang ang naghiganti, Jasper. Pasensya ka na kung naging strict Uncle ako sa'yo noon. Itong gagawin ko, ay isang sakripisyo bilang Uncle mo, o bilang Papa mo. Sana, itong gagawin ko, ay naging ama narin ako. Pasensya ka na sa lahat" Sabi ko sabay yuko.

"Sige na, paalisin niyo na 'yan" Utos ng Police at inilabas na nila ako. Muli akong tumingin kay Jasper. I smiled. Sana balang araw, bumait ka, maging gwapo ka parin at tumangkad ka parin. "Magbago ka.." Bulong ko.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now