Nakakastress minsan ang kakulitan ng taong yun. Haay siguro nga stress eating yun. Bahala siya. Siya ang may kasalanan!


Bago ko matapos ang isang page ng book, nag ring na ang doorbell. I'm sure si Bal na yun. Kinuha ko ang book at pinatong sa mini table sa sala. Nilakad ko ang pagitan ng sala hanggang main door namin. Sumunod sakin si Cloud, alam din nyang dadating si DJ eh.


"Bal!" he showed me ang ilang bags ng mga pinabili ko. Honestly, hindi ko yan pinabili sa kanya para sakin. Para din sa kanya yan, dahil maghahanap din sya ng pagkain dito sa bahay. So might as well, magdala nalang sya. Haha!


Nagbeso kami at akmang kukunin ko ang iba niyang dala nang kontrahin nya ako, dahil kaya niya naman daw.


"Pabukas nalang ng door for me."


"Okay."


"Hi Cloud boy! You miss me?"


"Ba't ka naman nya mamimiss?"


"Wala lang. Nagbabaka-sakali lang, Bal."


I gave him a confused look pero tinawanan nya lang ako. Niyakap nya ko paside at inamoy ang tuktok ng ulo ko matapos niyang mailapag ang mga dala sa dining table.


"I really love your smell.. Huwag kang magbabago ng body wash at shampoo ha?"


Nilingon ko siya. "Hm? Kailan ka pa nagkaroon ng say sa personal hygiene ko?"


"Umm. Simula lang po nung sinagot niyo 'ko at naging girlfriend na kita. May tanong ka pa po?" he wiggled his eyebrows and smirked at me. Inirapan ko naman. Talo na 'ko eh.


"Teka, nasaan nga pala si Lhex?"


"Wala kasama ni Ate."


"Si Ate Kaye?"


"Wala may inaasikaso."


"Si Kuya Kev?"


"Wala lumabas sila ni Ate Shannen."


"Si Mama?"


Huh?


"Malamang nasa bahay niyo?"


"Huh? Bakit? Walang sinasabi si Mama saken."


"Ano, Bal? Hindi kita magets. Sino bang hinahanap mong Mama?"


Tinawanan niya muna ako. Halos gumulong na siya kakatawa. Aba!


"Malamang si Tita Min? Si Karla nasa taping yon. Kaya nagtataka ako sa'yo, Bal eh." tumawa ulit sya.

Off The Record (OFFCAM)Where stories live. Discover now