oo nga pala nung umuwi kasi kami galing swimming ay di ko sya natext na nakauwi nako kayadi niya tinigilan si kate na tanungin kung nagrereply ako baka daw kung ano ng ngyari sakinOA much lang pero sweet!

"tara na Shane!" yaya na niya sakin sumunod na ko sa kanya ganun talaga siguro sunud sunuran lang ako sa mga sinasabi niya okay naman e di naman ako mapapahamak

"bat nagmamadali ka? may lakad?" taray kong tanong pagpasok sa kotse niya

"nagugutom na kaya ako! tuyot na utak ko o wala na nga akong mapapiga e" pagdadrama niya

"tara na nga! kumain tayo dun sa tapsilugan malapit samin" sabi ko  habang pinaandar na niya ang sasakyan

di naman maarte si Franz sa pagkain basta nakikita niya pano lutuin ok na siya

 dumating kami sa kainan at agad syang umorder  tapos kumain ay nakakita sya ng lechong manok malapit sa kinainan namin

"bili tayo nun" turo niya sakin sa litsunan

"kakakain mo lang kakain ka nanaman?" pasigaw na tanong ko sa kanya

"tss..wag kang OA para kina tita to no! tayo kumain sila hindi pa" sabi niya at nauna na syang lumakad papunta sa litsunan sumunod naman agad ako

ano ba nagpapalakas ba sya sa pamilya ko??? wag akong assuming diba! tss

pumunta na kami sa bahay at iniabot niya ke nanay ang dalawang manok na binili niya

"O! ang dami naman nito nak!" masayang sabi ni nanay sa kanya

pero wait!

NAK???

"para sa inyo po talaga yan tita pambawi ko lang po" nakangiti si Franz

habang hinahanda ni nanay ang mesa para sa kanilang tatlo kami naman ni Franz nasa may labas namin at nakaupo sa kawayan na mahabang upuan

"sarap talaga dito sa inyo..simple lang" sabi niya habang nakatanaw sa malayo

"hummm...gusto mo sa ganitong lugar?" tanong ko sa kanya

"Oo....nakkarelax kasi di tulad sa manila masyado nang maraming tao sa antipolo naman nasa bayan kami kaya parang ganun din...dito kasi maraming bukid kaya maganda tignan"

"ah...edi bumili ka ng bahay malapit sa bukid" biro ko sa kanya

"tska na pag magaasawa nako!" sagot niya naman

napansin ko naman na pahiga na sya sa hita ko

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now