"Bakit?" Tanong ko, inirapan ba naman ako?

"Ibibigay mo ba o hahanapin ko nalang?" Di makapaghintay niyang sabi. Sasagot na sana ako nang biglang pinindot na nito ang search box at tinipa ang pangalan ko. Muli itong umirap at binaba ang phone sa kandungan tsaka ako nilingon.

"Just tell me your facebook account, April." Impatient, August. Hays, ang gwapo pa rin.

"Bakit nga kasi?" Aburidong dinampot ang phone at pinatong sa ibabaw ng bag ko. "Anong gagawin ko rito?" Hindi ito sumagot. Humilig sa bintana at tinakpan ang mukha.

Pinulot ko yung cellphone niya at tinipa ang facebook name ko. "Add ko na ba?"

"Huwag na." Sagot nito habang nakaganong posisyon pa rin.

"Add ko na." Giit ko sabay pindot ng add button. Mamaya pa kita na ma-accept ah kasi wala akong load pang internet." Sabi ko sabay pindot ng home button. Mukha ng isang magandang babae ang bumungad sa akin.

Must be her.

"Si Dianne ba 'to?" Tanong ko. Mabilis na inagaw ni August ang phone sa akin at pinatay iyon. Ilang sandaling katahimikan... umusog ako at dumistansya sa kanya.

Kalaunan, hinila ulit ako nito pero nag matigas ako. Humigpit yung hawak niya sa braso ko habang nagkatitigan lang kami.

"Ano?" Walang ganang tanong ko. Hindi ito sumagot. "Wala kang sasabihin? Kasi matutulog na ako." Sabi ko pa. Binitiwan niya na ako at bumalik sa posisyon niya.

Nakapikit na ako at lahat-lahat pero nakikita ko pa rin ang nakangiting si Dianne. Chinita, maputi, hindi nagme-make up pero ang ganda-ganda pa rin. No wonder bakit mahirap para kay August ang kalimutan ang napaka-gandang si Dianne. Hindi ko siya kilala ng personal pero kung huhusgahan ko siya base sa picture niya, masasabi kong mabait siya. Napaka-pure niyang tingnan sa ngiti niya. Pero ika-nga nila, looks can be deceiving.

Naiinis ako! Naiinis ako kasi bakit parang nagseselos ako? Nai-insecure ako sa ganda niya. Naiinis ako kasi alam ko namang hindi ganon kadaling makalimutan ni August ang yumaong girlfriend nito. Naiinis ako dahil ang lakas ng loob kong sabihing tutulungan ko siyang maka move-on tapos nakita ko lang yung picture ng taong mahal niya nagkakaganto na agad ako!

Ang bilis namang matabunan no'ng sinabi niyang "nararamdaman ko sa'yo". Walang wala iyon kung ikokompara sa picture ni Dianne.

Nag stopover sa isang drive-thru si Dominic para bumili ng breakfast namin. Inabot ni August yung bote ng mineral water sa akin nang hindi ako iniimik. Hindi ko na rin siya kinausap. Masama pa loob ko.

At talagang ikaw pa ang dapat makaramdam ng sama ng loob? Tanong ng isang bahagi ng utak ko.

Di'ba andyan ka para tulungan siyang mag move-on sa buhay niya? Wala kang karapatang mag-inarte!

Wala nga akong karapatang mag inarte. Ano ba ako sa kanya? Wala naman diba?

"August," biglang tawag ni Dominic kay August. "Bro, di ko na talaga kaya. Mahuhulog na yung eyeballs ko sa sobrang antok. Pasuyo naman kahit thirty minutes lang."

"Sure." Sagot ni August. Huminto sa gilid si Dominic at nagpalit sila ng pwesto. Si Agatha naman lumipat rin sa likod. Tanging si August lang ang nasa harapan.

The Day April FallsWhere stories live. Discover now