Chapter 13 : Alys Town

5.3K 286 32
                                    

Just close your eyes
The sun is going down
You'll be alright
No one can hurt you now
Come morning light
You and I'll be safe and sound.

- Taylor Swift

• ₰• • ₰ • • ₰• •         

I walked through the crowded market place.

Maraming mga mamamayan ng Eralinde ang nakatira dito sa Alys Town.

There were more merchants and traders here in Alys Town. Street sellers were everywhere. Magkakatabi ang mga iba't-ibang shops and some of them are selling an assortment of items.

May mga bakeries, dressmakers, rope makers, comfortable inns, old taverns and bookstores.

Lahat ng mga gusali dito ay gawa sa bato.

Sa gitnang bahagi naman ng Alys Town ay may ilan na nagsasayawan at nagkakantahan malapit sa fountain. Hindi ko mawari kung mga lasing ba ang mga ito o talagang matatawag bang sayaw at kanta ang ginagawa nila.

Napailing na lang ako.

The main street was busy. May mga Witches na sumisigaw ng presyo sa kanilang mga produkto lalong lalo na ang potions na kadalasan ay para sa pampaganda at kung ano ano pang nausong potions sa Alys Town.

May mga Wizards na nagbebenta o gumagawa ng wand and some of them are dressed in an old dirty cloak.

Napatingin ako sa mga naglalakad.

There are children who wears in ill-fitting clothes na para bang hindi sila nakakain ng ilang araw. They were running in the crowded streets.

May mga batang nakikipag-agawan ng mga customer at meron din mga Light Hunters na naglilibot-libot sa buong paligid.

May mga humiro o mga elves na abala sa sa kanilang ginagawa tulad ng pagbebenta ng mga prutas at gulay na karaniwan nilang hanap-buhay.

Marami ng nagbago dito.

Naalala ko pa nung minsan na dinala ako dito ni Tiya Ruby, lahat ng mga tao ay masasaya. Wala silang ginawa kung 'di ang magsayawan at magkantahan. Some of them are busy but they don't forget to participate in every traditional dance o sumabay sa mga awitin dito sa Alys Town.

Pero ngayon, nagmistula nang luma at malungkot ang bayang ito.

May mga nakikita akong nagsisigawan, nagsusuntukan at kung anu-ano pang dahas na bihira ko lang makita.

Ang mga musikero na nagkakantahan ay parang walang kabuhay-buhay at namamalimos na lang ang mga ito sa gilid gilid.

Iilan sa kanila ay gumagamit ng itim na mahika, pero may nakikita akong Light Magic users na nagbebenta at patuloy sa paghahanap ng buhay dito sa Alys Town kahit naninirahan sila sa Woodlands.

Madami din kasing mga dumadayo dito kahit maraming nagbago.

Tumigil ako sa paglalakad at nakita ko ang mga iba pang mga estudyante ng ESS na abala sa pagpili ng kung ano-anong bagay.

Bahagya akong napangiwi nang may nakaapak sa paa ko.

"So-sorry po." hinging paumanhin ng isang maliit na nilalang.

Lumuhod ako at ipinantay ko ang mukha ko sa isang Humiro.

Humiro ang tawag ng mga naninilbihan sa buong Eralinde. They came from the race of an Elf.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon