Chapter 1: Darkness

21.5K 529 26
                                    

"Darkness, is the start and the beginning of formless and empty."

- Miss P

This is not a Harry Potter/Merlin/Fairy Tail Fan fiction.  Kung meron man, I will assure you that some of them are intentional and purely for fun.

This is an original fantasy story. I have spent my time in planning and plotting this story so please stop comparing my work to other stories or try to copy this.

• • ₰• • ₰ • • ₰• • 


Third Person POV

"Ama, tara na!" hagikhik ng pitong taong gulang na batang babae. Umaalon ang magandang buhok nito na hanggang balikat habang patakbong itong lumalapit sa kanyang Ama. Natatawa namang lumapit si Heindrick Silvermead kasama ang asawa nitong si Lady Elenore sa batang babae.

Heindrick patted the child's little head.

She has the most beautiful light brown eyes na minana pa nito kay Lady Elenore ang asawa ni Heindrick Silvermead.

"Ama, ama, ama! Turuan niyo na kasi ako!" giit ng bata habang hinahawakan nito ang laylayan ng damit ng kanyang ama.

Kahit pitong taong gulang palang ito nakikita ng dalawang mag-asawa ang potensiyal ng kanilang anak. Nagkatinginan ang dalawang mag-asawa, hangga't maari ayaw nilang madamay ang kanilang anak.

They want their little princess to be ready pero hindi parin sila makakapayag na may masamang mangyari sa kanilang nag-iisang anak. Mas mabuti na lang na walang alam ang kanilang anak.

Bagkus,nararamdaman ng mag-asawa ang nalalapit na pagdanak ng dugo sa buong lupain ng ERALINDE.

Napalingon ang mag-asawa nang bumukas ang malaking pintuan. "Master Heindrick at Lady Elenore, oras na." kalmadong tawag ng isang kawal.

Nagkatinginan ang mag-awasa na para bang nag-uusap ang mga ito sa isip.

"Kung ganun, magpapaalam muna kami sa aming anak." Pilit ang ngiting paalam ni Heindrick sa kawal ng kaharian.

Tumango lang ang kawal at saka nito pinagmasdan ang isang napakagandang bata. May kunting kirot sa kanyang puso tuwing naalala niya ang kanyang anak na babae. His child was killed and he knew who did it. Isa si Diego Caldwell sa mga kawal na tapat sa kahariang ERALINDE. He refused to believe sa mga binibintang na binibigay ng bagong Hari na si Grail Fellmagus sa mag-asawang Silvermead.

Lihim siyang nag-usal ng dasal para sa kaligtasan ng mag-asawa.

Pinagmasdan ni Heindrick ang kanyang anak. He lowered his head para magpantay sila ng kanyang anak.

"Anak, naalala mo pa ba yung mga turo namin ng Mama mo?" tanong nito.

Nagnining-ning naman ang mga mata ng batang babae na tumatango-tango sa kanyang ama.

"Kung ganun, may gusto lang kaming ibilin sa iyo anak bago kami umalis. Doon ka muna kay Tiya Ruby mo matutulog ha. Wag pasaway!" natatawang bilin ng ama nito. Alam kasi nito kung gaano pasayaw ang anak nila pero kahit papaano disiplinado naman ang bata.

"Lagi mo rin tatandaan na mas malakas ang may mabubuting kalooban.Buksan mo lagi ang mga mata mo sa paligid. Monsters are always there, kaya wag kang matatakot sa kanila anak ha!" sambit ni Elenore sa kanyang anak.

The White Sorcery (slow update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon