Chapter #7: The Truth behind the lies

Start from the beginning
                                    

Napatingin naman ako kay haines.

Parang alam na niya na siya yung tinutukoy ni Daniel.

And after a minute, napalingon ako sa taong papalapit samin ngayon na nakajacket na black at nakahood habang may dalang roses..

Lakad pa lang.. alam kong siya na.

Right now he's standing in front of my bestfriend. Iniabot niya ang roses at kinuha naman ito ni Haines.

Inalis niya na yung hood niya at nabigla si Haines.

"Daniel? Ikaw yung lalaking laging tumutulong sakin tuwing napapahamak ako. Bakit hindi mo sinabi?" Sabi ni haines.

Alam ko na ang tinutukoy niya ay yung sa park na muntik na siyang mapahamak. Si daniel naman ngumiti sa kanya.

"You never asked. Sorry ikwekwento ko dapat sa letter kaso 1/4 lang eh! Kahit anong liit ng sulat ko, hind nagkakasya. Kaya sasabihin ko na lang.. it's been 4 years and 4 months and 3 days and 2 hours and 35 minutes and 26 seconds kong tinago yung nararamdaman ko. Atlast, nakarating din sayo. Hindi ko na hihilingin pa na mahalin mo rin ako pero kung sakali mang magbago yung ihip ng mundo at tangayin ang puso mo papunta sa masungit kong mundo, lagi mong tatandaan... magiging boyscout ako. Laging handa.. handang sumalubong sayo." Sabi niya sabay yakap kay Haines. Tinulak ko nga.

"sinong nagsabing pwede mong chansingan bestfriend ko? pero teka san ka nakakuha ng jacket na ganyan at bulaklak? Eh bawal lumabas ng school ah?".. kanina ko pa kasi iniisip yun.

"Galing kay Lily. Nagtambay ako sa clinic pampawala ng kaba tapos habang nakahiga ako sa kama, bigla siyang sumulpot. Grabeng babae yun. nakakatakot. Namumutla kasi siya. mukhang nillagnat tapos binato ba naman ako ng paperbag tapos sabi suutin ko daw tapos wag na ako magtanong. ay nga pala.. bago siya umalis, pinabibigay niya to sayo. Basahin mo daw mabuti. Tapos pagkabasa mo pumunta ka sa rooftop." sabi ni daniel sabay abot sakin ng letter.

Binuksan ko yung letter.

Sa loob nun may maliit pang papel. Binuklat ko yung papel na malit..

It was the first song sa album namin. "Take back the dream" yung kantang ipinasa ni honey nung nagaudition siya samin. Bumalik ako dun sa mismong letter.

{ You probably asked yourself why I hate your band kahit di ko naman kayo kilala. Be glad Briel kasi ikaw ang unang taong makakaalam ng kasinughalingan sa pagkatao ng mga nakapalibot sayo. I hate your band kasi kung hindi dahil sa banda niyo. Hindi magiging ganito ang mundo ko. May gusto ka pa bang malaman? Go to the rooftop as fast as you can.. isama mo na rin si Daniel. don't worry about Honey... kasama ko na siya ngayon. See yah!

-Lilyanah }

Hinila ko si Daniel. Kahit gulat tumakbo siya kasama ko. Kasama namin si Haines..

nandito na kami sa roof top. I was shocked sa nakita ko..

Hawak ni Honey yung buhok ni Lily. Nakangiti si Lily habang dumudugo ang labi nito.

Tinignan ko si Honey.. galit ang nararamdaman ko sa mga mata niya at hindi ko pa siya nakikita ng ganito.

"Anong nangyayari?" Lumapit sa kanila si haines..

Inilayo sila sa isa't isa... kami naman ni Daniel shock pa rin.. napalingon samin si Lily at humarap ulit siya kay honey.

"Finally, nandito na ang mga munti nating bisita." Lumingon samin si Honey. Ang lungkot ng mga mata niya.

"Lily kung may galit ka sakin please wag mo ng idamay sina briel.. Ok fine. since ito naman ang gusto mo, ang pabagsakin ako. Sige ako na ang gagawa para sayo. Briel, Daniel.. I'm sorry I lied. Yung music sheet. Si Lilyanah ang gumawa nun. Binully ko siya at ninakaw yun para makapasok sa banda niyo. I'm really sorry kung hindi ako yung Honey na nakilala niyo. Sorry. Sorry lilyanah sa pagnanakaw ko ng music piece na ginawa mo para sa mom and dad mo." Sabi ni honey habang umiiyak sa harap namin.

Academy of Changes (Completed)Where stories live. Discover now