Chapter #1: Mysterious box

4.4K 76 201
                                    


Nung bata pa ako, gustong-gusto ko maging artista. Yung tipong kilala ng lahat.

Gusto kong sumikat para kahit papano, masuklian ko yung pagod at sakripisyo ni Mama mula ng namatay siya. Nagsikap ako. Naging maingat ako sa balat ko pati na rin sa susuotin ko.

Nag-audition ako sa sandamakmak na Auditions. nasuklian lahat ng pagod ko.

Sumikat ako, yumaman kami, maraming humahanga sakin, maraming umiidolo, marami na rin akong awards. kilalang kilala na ako. Pero mahirap ang buhay artista.

Wala kang privacy. Nakakapagod pero kailangan.

Ako nga pala si Gabriel Zeuh Felix. Pero mas kilala ako bilang Shade, Screen name ko. Kilala ako bilang actor , soloist singer, at vocalist ng bandang "X-breakers".

"Briel ano nangyayari at bakit nagdo-drop grades mo sa school?" tanong ni Manager, Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sorry Manager, Kasi nawalan ako ng time para mag review. Natambakan din kasi ako ng tour at events. Nakatulog ako sa biyahe eh" Paliwanag ko, hindi nga ako masyadong nakatulog eh! 2 hours lang. Bitin na bitin yun.

"Manager, Bigyan mo naman kami ng pahinga. Alam mo naman yung requirements ni Papa. Bawal kami mawalan ng time para mag-aral. Pag bumagsak ako this school year, yari ako nito." Sabi ni Honey.

Ang nag-iisang babae sa banda, ka-loveteam ko sa mga telenovela at girlfriend ko sa totoong buhay.

"You don't need to mention. Nag-utos na ang Management at Company na kailangan niyo muna magpahinga. Since tinambakan kayo at para manabik sa pagbabalik niyo lalo ang fans.

And since first quarter pa lang, ililipat kayo ng school. Sa Realist Academy. after class meron kayong 3 hours para magpahinga tapos diretso shooting na." saad ni Manager na ikinangiti namin, Pakiramdam ko makakapagpahinga ako kaso limitado lang.

"Salamat Manager, pero teka nasaan si Wain?" Tanong ni Daniel sabay tingin sa paligid. Oo nga noh! Nawawala na naman yung lokong yun!

"Baka bumili lang ng Drum sticks. Naputol na naman ata niya. Nga pala may pumunta na naman dito tapos inabot to!" Litanya ni Manager sabay labas ng Box na kulay pink.

Paulit-ulit yan ang regalo sa kanya. Same size, color, at lahat walang laman.

"Minsan talaga natatakot na ako eh! Sino ba kasi yung nagpapadala." Agree ako sa sinabi ni Honey. Miski ako natatakot na.

"Manager namukhaan mo ba?" sabi ko kay manager. Nag-nod naman siya at pinakita yung pinicturan niya ng stolen. Nagsilapitan kami at nabigla ako kasi..

"Ang ganda niya!" Ani honey sabay tapik sa likod ni Daniel. Babae yung nagbibigay kay Wain.. Nakawhite siya tapos nakangiti. Mukha siyang anghel.

"Oo pero mas maganda.. AKO sa kanya!!" sabi ni Daniel sabay tawa. Baliw talaga! hindi bakla yan ah! baliw lang. Pero malupit mag-gitara.

Siya rin kadalasan sumusulat ng kanta.

"baliw ka!! Nga pala. Guys may pasok kayo bukas. so Maghanda na kayo." sabi ni Manager sabay alis. Pagka alis niya, tinawagan na namin si Wain. ilang saglit lang nagring phone niya. Teka bat nandito sa may gilid ng Dressing room? Nagkatinginan kaming apat.

"Hindi umaalis si Wain ng hindi dala ang phone niya!" Ani Daniel sabay kuha nito. Hinanap na namin siya. Lumabas muna yung apat at ako.

Nanatili lang dito sa dressing room at hay naku! Taong to!

Nandito sa likod ng fitting corner, natutulog. Pagod na pagod siguro tong pandak na to! Siya kasi pinakamaliit sa grupo. Nakuha ng atensyon ko yung notebook na kulay blue sa gilid. Lagi hawak ni Wain yun eh! Pinulot ko.

Academy of Changes (Completed)Where stories live. Discover now