Chapter #3: Knight Vs Prince

1.3K 46 143
                                    


Daniel's POV

Naiinis ako pag nakikita kong nasasaktan siya.

Eversince tinitignan ko na siya. Alam kong wala siyang gusto sakin pero minahal ko na siya.

Naaasar akong isipin na lagi na lang siyang nasasaktan ng taong mahal na mahal niya pero may mahal namang iba.

Bakit kasi di na lang ako? Matagal na panahon ko ring iniwas sa iba yung sarili ko. At ngayon na ang araw na hinihintay ko.. Ang pagkakataong ginawa ko na sana apat na taon ng nakalilipas.

Sana hindi siya nasasaktan ng ganito. Haines.. Ganun ba siya kahalaga sayo at hindi mo makita ang presensya ko?

Sa kakadrama ko nandito na pala kami ngayon sa Hallway.

Kasama ko ang grupo ni Austine. Lokong to! napakababaero. Ito namang nasa kaliwa ko si Chichi, panay ang pangungulit. Ang sarap na ngang itulak palayo eh! kaso panay lapit pa rin. Sa magnet ba pinaglihi to?

"Alam mo Daniel. Idol na kita noon pa. Hindi dahil magaling ka maggitara. Kundi dahil kahit ganyan ka kasungit, ramdam ko sa pagtugtog mo na mahalaga yung bawat lyrics ng kantang ginawa mo. Yung tipong parang may gusto kang pagsabihan ng lyri--" Bago pa niya matuloy yung kadaldalan niya, tinabig ko na siya. ASAR!!

Nahuli na naman ba ako. Tinulak ko yung mga babaeng nananakit kay Haines.

Wala akong pake kahit masaktan sila. Maligtas ko lang yung babaeng minamahal ko.

"OUCCHHHH.. bakit daniel?" Sabi nung mga babae habang naiiyak dahil sa sakit.

"Hindi ba kayo marunong makinig?! 'wag niyo na ulit subukan pang ilapit yang madudumi niyong kamay sa kanya or else, You'll recieve a reward for it." sabi ko at tuluyan ko ng hinila palayo si Haines.

Sana araw-araw kong mahawakan yung kamay niya. Sana ganito na lang palagi. Sana...

"DANIEEL TARA NA!!" Napalingon ako sa tumawag sakin, si Briel at si honey.

Bakit ngayon pa. Masasaktan na naman siya.

"Sorry I have to go. Mag-ingat ka kasi sa susunod." sabi ko, sorry kasi hindi ko matanggal yung sakit diyan sa puso mo.

Iniwan ko na siya at lumapit na ako kina Shade, ang sweet na naman nitong dalawa.

"Daniel, Bakit parang napapalapit ka ata kina Austine ah! pati dun sa chichi. baka naman, 'wag mong sabihing--"

-_-

"Ewan ko sa inyo, Diyan na nga kayo, nasan na naman ba si Wain?" Sabi ko. Palagi na lang nawawala yun.

"Ewan ko nga rin. Di ko pa siya nakikita sa room eh! baka nakatulog na naman kung saan-saan." Sabi ni Honey. Bumalik na kami ng room. Kumpleto naman silang lahat, maliban kay Lily at Wain.

Kawawa naman si Wain baka ma-rape pa siya ni Lily, pero kaya niya na 'yun. Ako naman ang kawawa dito..

Itong asungot na to! tabi kasi ng tabi sakin. As in literal gusto na nga makipagpalit kay Wain eh! pano seatmate ko si Wain.

Tinitigan ko lang ng masama kaya hindi pumayag si Wain kanina. Badtrip na talaga ako dito sa babaeng to!! Hindi ako makaalis dahil sa kanya..

Wain's POV

Nagulat ako nang makita ko yung oras.

Gutom na ako, nakatulog pala ako dito sa sulok ng music room. Hay nako.

10 minutes na lang matatapos na yung recess. Hay ayoko pa pumasok. Boring masyado.

Paalis na sana ako ng makarinig ako ng nagpe-play ng piano. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan pero. Ganyan tumugtog si Aliyah.

Academy of Changes (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz