Chapter #5: Beat of the Heart

1.1K 48 135
                                    

A/n: Sorry po sa media, Im not good about diyan hehe. Happy reading ^_^

**************

Wain's POV

Bakit ako kinakabahan? Bakit si Lily pa kasi.. Yung eksena namin.. maikli lang pero sobrang... Haisst. Kayanin niya kaya? ay mali.. Kayanin ko kaya?

"Steady muna.. Mag-usap kayo.. within five minutes and let's start.." Sabi ni direc sabay alis at asikaso nung mga gagamitin at gagawin.

"Kaya mo ba? Kung hindi naman ok lang." Sabi ko..

sana hindi niya kayanin para iba na lang.

"Ako dapat magtatanong niyan sayo. Ano kaya mo ba?" sabi niya habang binabasa yung script.

"I can." Sabi ko..

I think I can't

"Let me repeat what I told you last time... Tignan natin kung hanggang kailan mo itatago yung Kaba mo." sabi niya sabay ngiti sakin.

This girl.. She's Argggg.

"Ok let's start" sabi ni director...

Umupo na siya sa upuan sa piano..

Ako naman kunwari galing sa labas at papasok dito sa music room.

"Hey baby." sabi ko at lumingon ako.

"I'm Diane." sabi niya.. please be professional .. kaya ko ito. I hug her back tapos pinatong yung ulo ko sa balikat niya..

"Ano bang problema mo?" Sabi niya sabay tulak sakin..

"Be my girlfriend for a week. I'll pay your tuition fee." sabi ko sa kanya.. Yeah it's according to the script.

Tumayo na siya.. at naglakad papalapit sakin..

"Humanap ka ng ibang mapapagtrip--AAH" nagulat ako ng biglang madulas si Lily...

I grab her hand at sinalo ko siya.. Nagkatinginan kami.

Masyado kaming malapit sa isa't isa.

Biglang lumakas yung pintig ng puso ko..

"CUT!!!" sabi ni direc.. at umayos na ng tayo si Lily pati ako..

Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko..? It was just an accident..

"Sorry po. Nadula--" Sabi niya pero naputol

"WHAT IN THE WORLD WAS THAT?.." sabi ni direc na parang galit na galit.. nakayuko lang si Lily..

"IT WAS WONDERFUL. PERFECT!!" sabi ni director habang nakangiti.. nagulat kami sa sinabi niya..

Napalingon ako sa mga staffs at kabanda ko.. Lahat sila nakangiti at yung iba parang baliw na!

"Huh? it was an accident." Sabi ni Lily.. yeah it was just an accident..

"What I mean is.. Bagay pala kayo? the look.. the way you look at her and the way she look at you.. I can see the look of love. Never ko pa nakita tumingin si Wain ng ganun." Sabi ni director..

"WHAT??" sabi ko.. I don't love that scary woman.

"Isama natin yun sa scene. Gawin niyo ulit yun pero kailangan dun na sa puwesto na nasalo mo na siya. Tapos Lily, tatayo ka tapos sabihin mo ng buo yung script mo. then tuloy." Sabi ni Direc.

Bumalik yung kaba na kanina ko pa nararamdaman. Bakit di ako makagalaw? Please Wain be professional. Ngumiti si Lily sakin.. Lumapit siya sakin.

"Pwede mo namang sabihing kinakabahan ka eh!" sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Academy of Changes (Completed)Where stories live. Discover now