Chapter #5: Beat of the Heart

Magsimula sa umpisa
                                    

"Be professional." Pagkasabi niya nun.. Ginawa na namin yung last pose namin..

"ACTION!" Sabi ni direc..

Tinignan ko siya sa mata..

Ang ganda niya.

Mukha siyang anghel.

Wait!!

WHAT?? ano bang sinasabi ko..

Tumayo na siya..

"H-humanap ka ng ibang mapagtitripan mo. Wag ako!" sabi ni Lily.

"I'm sorry pero pumayag na ang tita mo. At wala ka ng magagawa dun." sabi ko sa kanya sabay talikod..

Please lang.. Matapos na sana ito at ng mawala na yung babaing yan.

"WHAT?! YOU'RE A JERK!" sigaw niya...

Yeah and this jerk is falling for you.. Ano ba wain?... ano ba yung mga iniisip mo?.

"Yeah! 1 week lang to! wag ka mafafall sakin. Wala akong balak saluhin ka!" sabi ko sabay alis sa scene.

"KAINIS!! ASA KA PA .. badtrip na lalaking yun.. ano ng gagawin ko?" Sabi niya sabay upo sa upuan sa piano..

"CUT!!!! very good.. next scene.. Lily, Wain be prepared.." Sabi ni direc. Si Lily.. parang wala lang sa kanya...

bumalik na ako sa bench namin nina briel.. Ano ba nangyayari sakin?

"Wain.. Ang galing nung acting niyo kakaiba. Parang totoo.. Ang ganda ni Lily no?" sabi ni briel..

"Hay nako briel siguro kung hindi si Lily yan baka maamaze ako.. kaso yung baliw na yun kaeksena nitong si wain eh! sigurado akong natakot ka wain!!" Sabi ni Daniel..

Ewan ko lang ah! pero pakiramdam ko..

Hindi na takot yung nararamdaman ko eh! May gusto na ba ako kay Lily?

"WAIN!!! TAWAG KA NA NI DIREK!!" sigaw ni Honey sakin.. Bigla akong nagising sa realidad. Nababaliw na ata ako.! Hindi mangyayari yun no! Tumayo na ako at lumapit kay direc.

"Alam mo na naman gagawin mo wain diba? Sige ayusan niyo na yung dalawa.." Sabi ni direc..

nandito kami ngayon sa Court ng school.. Scene kasi namin na naglalaro kami ng basketball nina Briel.

Ewan ko na!! Naiisip ko pa lang yung scene.. kinakabahan na ako..

Nakajersey ako ngayon..

"NASAN NA SI LILY" sigaw ni direk..

"Direc heto na po!" Sigaw ni Jillian..

Nakita ko yung reaksyon nina daniel habang nakatingin sa likod ko.. Napanganga na sila.. Nakatalikod ako pero kinakabahan ako.

"Ang ganda niya.." Sabi ni Daniel..

Nagulat ako sa pagkakasabi ni Daniel.. Kasi inis na inis siya kay Lily diba?

Napalingon na ako sa likod ko at...

Anlakas ng tibok ng puso ko..

May kung anong liwanag na nakikita ko habang naglalakad siya palapit sakin..

Naka-cheerleader outfit siya ngayon..

Nasa harap ko na siya ngayon..

At ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko na hindi ko mapigilan At ang tanging nakikita ko lang ay siya habang nakangiti sa akin..

"Pwede mo na bang sabihin na kinakabahan ka?" Nagising ako sa realidad nung narinig ko ang boses niya.

No!! I won't fall. Kasi hindi totoo lahat ng to! Masasaktan na naman ako.

Academy of Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon