Chapter #3: Knight Vs Prince

Magsimula sa umpisa
                                    

*-----Flashback 2 years ago..

"Wain halika dito dali!!" Sabi sakin ni Aliyah. Pinaupo niya ako sa tabi niya at tumutugtog siya ng Piano.

Pianist kasi siya eh! Siya yung nagtuturo kay Honey.

"May tutugtugin ako sayo" Sabi niya sakin, yung kanta parang malungkot pero maganda. Kasing ganda ng mga mata niya.

[Heart beats fast colors and promises.

How to be brave? How can I love when I'm afraid to fall but watchin' you stand alone.

All of my doubts suddenly goes away somehow.

One step closer... ]

At gaya ng dating gawi. Sinabayan ko siya sa pag awit.

[I have died everyday waiting for you.

Darlin' don't be afraid, I have loved you for a thousand years

Loved you for a thousand more..]

Nagkangitian kami. Naging masaya kaming dalawa.

Kahit bata pa kami, alam kong siya na yung taong papakasalan ko. At akala ko perfect na ang isang love story kapag pareho kayo ng nararamdaman.

Pero, mali pala ako. Akala ko lang pala yun.

"Standby, standby. 10 minutes na lang magsastart na yung concert please. Switch off your phones" sabi ni manager. Kinuha ko yung phone ko at tinext si Aliyah.

[Pray for me liyah! this is for you]
Pagkasend ko, in-off ko na.

1 am na natapos yung concert namin. Pagbukas ko ng phone.

45 missed calls
90 messages

Pagtingin ko. Kina tita halos lahat galing, sa mommy ni Liyah, at isang Unknown number.

Nagulat ako ng biglang nag ring ang phone ko. Galing duon sa Unknown number. inAccept ko yung call.

[hello? who's th--]

[you freaking guy. Go to the hospital.. and make sure she's okay.. Kapag may nangyari sa bestfriend ko.. Hindi ko alam magagawa ko sayo]

... I can hear that this caller is crying.

[hello? sino ka tsaka anong hospi--]

[STOP TALKING..I'LL SEND YOU THE ADDRESS OF THE HOSPITAL AND DON'T WASTE ANY SINGLE SECOND. GET IT?!]

[wait .. who are yo--]

[toot-toot--toot]

Kainis sino ba yun. Nakarecieve ako ng message and ito ang pang-91 na message.

[**** st. ph 3 blk 5A lot 3 ******* hospital.. Please save her. Save liyah]

Pagkakita ko ng last word, LIYAH. Napatakbo ako ng di oras. I went there as fast as I could

but, It's too late.

Niyakap ako ni tita. Tuluyan ng bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Yung katawan niya puro dugo. But I can see her smiling.

Bakit? p-paano? Bakit, Bakit.

Napaluhod na ako sa sakit... why?

"Y-you're 1 hour late Wain. Hi-hinintay ka niya. lumaban siya. It was a car Accident. P-pupunta dapat siya sa concert niyo pero. A dog goes by.. iniwasan niya at..." hindi na natuloy ni tita yung mga sasabihin niya dahil tuluyan ng bumuhos ang luha niya.

"she was holding this picture ng matagpuan siya and gusto niyang ibigay namin to sayo" sabi ng doctor.

I looked at the picture. It was us. Nung una ko siyang nakilala. I started crying.

Academy of Changes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon