Chapter #2: Unrequited Love

1.4K 53 152
                                    


HAINES' pov

"Okay ka lang miss? I know you're not okay but still I'm asking." sabi ng taong nasa likod ko.

Nilingon ko. Baka kasi ako kausap niya. Laking gulat ko ng makita siya.

bakit siya nandito?

bakit pa siya bumalik?

"Haines?" sabi ni Briel. Tinitigan ko lang siya. kahit binubully ako, never ako nakaramdam ng sakit pero ng nakita ko siya, bakit sobrang sakit....

"Kamusta Gabriel Zeuh Felix o kailangan na ba kitang tawaging Shade?" sabi ko sa kanya.. Anlaki ng inis ko sa kanya eh!

Sarcastic yung tone. Pero imbis na mainis siya. Lumapit siya sa mukha ko at.. pinunasan ang mukha ko ng panyo niya.

Hinawi niya yung buhok ko. ramdam ko na nakatingin na samin yung karamihan. Alam kong kinakabahan ako. Pero bakit ganun? bakit lahat ng galit, sakit, at inis ko kay Briel..

Nawala...

"You better go to the washing room and changing room.." Sabi niya.

Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya..

"Sasamahan pa ba kita?" sabi niya ulit. Tumalikod na ako sa kanya..

"No need. Hindi ko kelangan yun kasi I'm sure may gagawin pa sila mamaya." sabi ko. pero this time nalulungkot ako.

Naiinis ako kase bakit masakit pa rin. It's been 4 years since last kami nag-usap...

*--------flashback 4 years ago..

sa park nakaupo kami ni Briel...

"Briel.. may sasabihin sana ako sayo." sabi ko kay Briel habang hawak niya yung Cp niya...

"ano yun Haines?" sabi niya sabay lingon sakin... makatingin ka pa ba ng ganyan sakin kapag nalaman mo...

"Gusto kita matagal na Briel.. pasensya na kung ngayo----" hindi ko natuloy kasi nagsalita na siya...

"Haines alam mo naman kung sino mahal ko diba?" sabi ni Briel...

"Alam kong mahal mo yung girlfriend mong si Honey.. gusto ko lang sana sabihin sayo itong nararamdaman ko.." sabi ko sa kanya..

"kaibigan lang kita haines sorry" sabi niya... at tumitig ako sa mga mata niya.. may tumawag sa kanya at alam ko namang si Honey.

kasi si honey lang ang nakakapagpangiti sa kanya ng ganun mula ng nawala si tita, ang mama niya..

kahit ngayon lang Briel pakinggan mo naman ako. please... pag tapos ng tawag, umalis na siya at nagpaalam sakin...

after 2 days di ko na siya nakita, lumalala na yung sakit ni mama.. stage 4 cancer... hindi ko na alam gagawin ko... wala akong kaibigan siya lang... tinawagan ko siya...

"briel.. ngayon lang please kailang--"

"sorry Haines... kadate ko si Honey ngayon eh!" sabi niya..

"please briel.. ngayo--"

"sorry .. bye" sabi niya...

"brie--" toot toot toot.. binabaan niya na ako at tuluyan ng bumuhos ang luha ko. lumabas si kuya mula sa room ni mama.. umiiyak siya... niyakap niya ako...

"Haines.. si mama... naghihikahos na.." mahinang sabi ni kuya...

"Mama..mama.. mama.." umiiyak ako habang nakatingin sa room ni mama sa hospital habang nire-revive na siya.. ng mapatingin ako sa monitor... nagflat line na... nung mga panahong yun.. nanghihina na ako.. wala na si mama.. wala akong marinig kundi iyak ni kuya at ni papa... gabi na nung umuwi kami nina papa.. ang tahimik ng bahay...

Academy of Changes (Completed)Where stories live. Discover now