Chapter Forty One- Oranges

Magsimula sa umpisa
                                    

"Why are you always grumpy? Kung hindi tahimik, agit ka!"

"Minsan walang tao nag a-I'm home ka pa rin?"

"Bakit ba? Malay mo nandiyan pala si mommy ng maaga. Tska yung mga multo, binabati ko para umalis sila!"

"Stupid."

"NYEH! NYEH! NYEH!" I am making faces. Si Lemon kasi napaka-corny. Aakyat na sana ako ng pigilan ako ni Ate Poty.

"Lemon, wag kang aakyat. At wag ka ring maingay!"

Wow. Lemon daw. Kahit magkamukhang-magkamukha kami, sigurado naman akong lamang ako ng isang paligo kay Lemon. Eh hindi nga ngumingiti yun eh! Ako ng laging masaya. Endorphins! 

"Ate Pots, si Orange ito. Maingay nga diba? Eh di si Orange ako." 

“Ay, Orange, wag ka munang maingay. At sigruo wag ka rin munang aakyat." mahinang sabi nito whle eyeing the staircase suspiciously. Anong meron?  

“Shhh! May kasama ang kuya mo…”

Kasama? Sa taas?

“Sa kwarto niya. At, basang basa sila.”

Basang-basa, sa kwarto? OMG. But wait.

"Paano mo naman nalaman na basang-basa sila?!"

Si Lemon ay nakatingin pa rin sa music sheet at parang walang interes sa mga pinaguusapan namin. O siguro hindi naririnig dahil wala sa amin ang atensyon niya. Pero tuloy-tuloy lang siya sa hagdan para umakyat sa kabila ng babala ni Ate Poty. 

"Lemon wait! Nandiyan daw si kuya. May kasamang babae, at basang-basa sila." sinundan ko si Lemon sa pag-akyat. 'Di na rin yata nakatiis si Ate Poty at umakyat na rin. Sumunod sa amin.

Nakapasok na kami sa kwarto at may nakita kaming nakasampay na uniform. Hindi namin uniform ang isang yun. Hindi sa school namin, at malaki.

“ANO YAN?” gulat ni Lemon.

"Sabi ko nga sa'yo. May kasama si kuya at basang-basa sila. Hindi ko nga lang alam kung paano nalaman ni Ate na basang-basa sila sa kwarto."

"Ano bang iniisip mo? Malamang nabasa ng ulan."

Psh. Oo na. Ako na nag-iisip ng masama. Pero kahit na. Bakit sila nasa kwarto ni kuya kung nandito ang uniform niya?

"Pero lemon. Etong damit nandito. Yung babae wala. Nasa kwarto ni kuya."

Walang sinabi si Lemon at lumabas. Hindi pa man, alam naming hindi kami makakapasok ng ganun na lang sa kwarto ni kuya. Lalo na't nakaharang na dito si Ate Poty. Hindi para pigilan kami pumasok, pero nakadikit lang naman ang tenga nito sa pinto. Nakikinig. 

“Hoy! Ate!”

“Shhhhhh!!” sabi nito at isinandal ulit ang tenga sa pinto.

“Tabi ka nga diyan ate!” aggressive si Lemon. Papasok siya. Kung ano man ang ginagawa ni kuya sa kwarto niya. Mahuli na ang dapat mahuli! ETO NA!!!

Boom.

Binuksan ko ang kwarto ni kuya. Dahan-dahan.

Nakita ko nakahiga si kuya tapos nakahiga sa tabi niya yung isang babae. Mahaba yung buhok. At… suot-suot ang damit ko. Bakit kasya sa kanya ang damit ko? Damit ko?! Ilang taon na ba ang girlfriend na ito? Nakakatakot.

Wala akong nagawa kundi pumasok. Kung siya nga o hindi yung napapanaginipan ni kuya, wala na akong pake kung mamali ako.

“ATE ZYLIE!!!”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon