Chapter 5

1K 68 22
                                    

"Wow ang ganda naman dito Sarah! Hahaha! Siguradong mag-ienjoy tayo dito!" sabay ginulo ni Lance ang buhok ni Sarah!

"Ehhh! Wag mo ngang hawakan buhok ko Lance!! Nakakainis ka!" Sabay hampas niya naman kay Lance. I smell something fishy! anong meron kaya dito sa dalawang ito? ang malisyosa kong tao! Naglakad lakad muna kami para makita ang kabuuang lugar bago pumunta sa rest house. Ang ganda talaga dito kahit ang creepy! Bakit parang walang katao tao dito? Nasaan na kaya ang mga tao dito? Akala ko pa naman may taong nakatira dito. Pinuntahan na namin ang Rest house na tutuluyan namin.

"Mayaman pala Sarah ang Daddy mo! Ang laki ng Rest house niyo ha!" Sabay pasok namin sa gate. Oo nga, ang laki ng bahay at parang ang gandang bakasyunan talaga dito.

"Kim nagustuhan mo ba dito? Hahaha. Uy wag ka ngang parang loner jan! Magsaya tayo dito habang bakasyon pa! Party party!" Sabay pasok ni Lance naman sa bahay. Ang weird niya talaga.

"BULAGAAAAAA!!"

"Waaaaaaaah!"

"Walanghiya ka Lance!!" Sabay bato niya ng bag dito. Ang kulit niya ngayun ha! Nakain ng lalaking to? Mukhang ang saya saya niya ngayon? Nag-vivideo pa siya ngayun. Ang hilig niya talagang dumala ng camera. Di parin siya nagbabago.

(Play the video⬆⬆⬆)

"Ugh! Ano yun!?" Sabi bigla ni Lance! Lingon siya ng lingon sa camera at sa may tapat ko.

"Nasaan na yun!?" Tanong niya bigla saamin.

"Anong pinagsasabi mo jan lalaki, ha Lance?" Tanong naman ni Sarah.

"Oo nga Lance, you're acting like a weird na!" Sabay flip niya ng hair niya. Ang arte talaga ng babaeng ito!

"Hindi eh! Meron talagang batang babae diyan!" Sabay turo niya sa may tabi ko.

"Naririnig niyo ba yon?" Kabadong tanong niya.

"Pakinggan niyo, parang may sinasabi ang bata!"

"HA? Pinagsasabi mo pre?"

A-ano? Ano raw ang sabi niya? Kinilabutan naman ako sa narinig ko. Dahan-dahan akong tumingin sa gilid ko at bigla namang umihip ng malamig ang hangin.

"A-ano ka ba Lance! Tumigil ka nga! You're so creepy na talaga!" Sabay tago niya sa likod ni Vince. Hinayaan lang ito ni Vince sa likod niya. Ano ba tong si Vince! Bakit niya hinahayaan ang babaeng yan sa likod niya! May gusto ba siya kay Michelle? Tss.

Roadtrip Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon