"Dali!" Excited na sabi nito sabay labas ng pinto.

Nagsusuklay ako ng buhok habang bumaba ng hagdan. Bwiset! Pagbalik namin ng Isidro magpapagupit na talaga ako ng buhok. Struggled na tinutuwid ko yung mga buhok ko nang pag angat ko ng mukha nakita ko si August na papalapit ng hagdanan nang naka-sleeveless. Labas ang tattoo sa braso. Shet, ang gwapo!

"Aymaskels!" Napakapit ako sa gilid nang madulas ako. Ito namang si August, nasa-baywang ko nakahawak. Mabilis na tumayo ako at tinaggal ang kamay niya nang makitang nakatingin sa amin yung tatlo sa likod.

"Okay ka lang?" Tanong nito.

"O-oo. Oo naman." Nag lakad na ako at iniwan siya.

"Kumulot ulit yung buhok mo, teh! Abot hanggang anit ang landi mo eh no?" Bulong ni Agatha sa akin nong palabas na kami ng Villa.

"Shh!" Saway ko sa kanya. Baka kasi marinig siya ni August na nasa likod lang namin.

"Asus! Kinikilig ka lang eh." Tukso pa nito.

"Hindi ah." May guilty bang umaamin? Wala diba!

Tahimik lang ako habang kumakain kami. Gutom kasi talaga ako. Idagdag pang naiinis ako sa hangin dahil inaaliw nito ang buhok ko. Kaya kung di ko nakakain yung buhok ko, pumapasok sa mata o di naman kaya natatakpan ng buo yung mukha ko. Kaya sa tuwing susubo ako eh kailangang hawakan ko muna yung buhok ko. Bakit naman kasi hindi ako sanay ilagay sa kamay yung tali eh. Ano pang sense kung nawawala ko rin naman lagi.

Biglang inatras ni August yung upuan niya at tinanggal yung buhok sa noo ko. Hiniram niya yung isang ponytail ni Agatha at tinala niya sa buhok ko.

"Ang sweet naman ng love birds!" Pang-aasar ni Agatha na agad sinakyan ni Harvey. Sinaway ko sila habang si August parang walang narinig. Patay-malisya siya lagi kapag inaasar kami. Bakit ang dali sa kanyang umakto na parang walang nangyari?

Kasi ikaw lang naman tong bini-big deal ang mga pangyayari!

Binibigyang meaning kahit hindi naman kailangan.

EH SA BABAE AKO EH! KUNTING KIBOT MALAMANG BIBIGYAN KO NG KAHULUGAN YUN!

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa Villa para magpahinga sandali. Nag-aya kasi si Dominic na mag island hopping o di naman kaya eh mag jet-ski mamaya.

"Sa kwarto lang muna kami." Paalam ni Agatha sa boys. At dahil kami lang naman dalawa yung babae rito, obligado akong samahan siya.

"Ano sa tingin mo ang susuotin ko ngayon?" Sabay taas ng dalawang two piece sa harap ko. Umupo ako sa kama niya at pinagmasdan yung dalawang swimming attire niya.

"Ilang araw ba tayo rito?" Tanong ko habang don pa rin ang tingin.

"Two days ata." Sagot nito. "So, alin nga sa dalawa?" Two days lang kami pero bakit ang dami niyang dalang swimming outfits?

"Ito nalang." turo ko do'n sa kulay black na two-piece.

"Mas gusto ko tong red eh. Para daring."

"Hinihingi mo opinyon ko pero ikaw rin naman ang masusunod." Sabi ko sa kanya at tsaka humiga sa kama nito.

"Eh kasi..." Sabay abot niya nung black na bikini sa akin. "Ipapahiram ko sa'yo to!"

The Day April FallsWhere stories live. Discover now