Chapter - 35

5.8K 225 19
                                    

- CYRUS -

" Ok. Kalang ba Von? " nag aalalang tanong ko dito. Bigla nalang kasi itong natulala at natahimik. Umiling iling naman ito then he gave me a fake smile.

"I'm ok. ano kaba!" banggit pa nito. Alam ko kung kelan totoo at peke ang mga ngiti nito kasi nararamdaman ng puso ko yun ganun talaga pag mahal mo eh! and looking at him right now alam kong may bumabagabag sa kanya.

"Spill it Von. Alam kong meron bumabagabag sayo." Naka ngiting banggit ko dito para kahit papano maalis ang tensyong nararamdaman nito.

Nagulat naman ito sa sinabi ko at napa hinga ng malalim bago nag salita. " May tanong ako. " seryosong banggit ni Von. " pero I want an honest answer Cy." habol pa nito.

Ramdam ko sa boses nito na nanginginig siya parang nag dadalawang isip pa ito kung sasabihin niya ba o hindi.

"Oo naman Mahal, kelan ba ko naging hindi honest sayo." Natatawang sagot ko dito pero may onting kaba narin sa kung ano man ang itatanong nito.

" Nu-nung hi-hindi pa tayo nagkaka balikan." Pa umpisa nitong banggit sakin at kita sa mga mata nito na luluha na siya. Hinawakan ko naman ang kamay nito at hinayaan siyang mag patuloy. " may-may nangyari ba sa inyo no Cassy." Tuluyan na itong naluha.

Nagulat naman ako sa sinabi nito, ito ba ang bumabagabag sa kanya? pano naman napasok dito si Cassy! nagtatakang banggit ko sa sarili ko.

" Ok. Lang Cyrus kahit hindi mo sagutin, napa-paranoid lang siguro ako hahaha nabanggit mo kasi yung baby baka lang gusto mong magka baby alam muna hindi ko mabibigay yun." Banggit nito na pilit tumatawa at halata parin sa boses nito na nanginginig siya at kinakabahan and it's more painful to me seeing him na nasasaktan na hindi ko manlang alam ang dahilan.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ayokong maramdaman ni Von yung nararamdaman niya ngayon. Ayokong nakikita siyang nasasaktan kasi doble yung sakit na nararamdaman ko. Napaka bobo ko naman kasi eh! Bakit ko pa kasi nabanggit yung baby, baby nayan. Yan tuloy nasira tong date namin.

Tumayo naman ako at lumapit dito hinila ko rin siyang patayo at niyakap ko siya ng mahigpit. hanggang sa onti onti ko nalang maramdaman ang kanyang mga braso na yumakap narin sakin.

"Mahal mo naman ako diba? Tsaka hindi mo naman ako iiwan diba kung sakaling maka buntis ka? " tanong ulit nito. Kahit hindi ko nakikita ang muka nito ngayon dahil magka yakap kami alam kong naluluha ito at nasasaktan.

"May tiwala ka naman sakin Von diba?" Tanong ko dito.

"OO naman" sagot nito sakin.

"Ok. Sige sasabihin ko sayo yung totoo. Kung iniisip mo na gusto kong magka anak, Oo aaminin ko gusto ko sino ba namang lalaki sa mundo ang hindi gustong magka anak." Seryosong banggit ko dito. Inalis naman nito yung pagkakayakap sakin at narinig ko itong humikbi kaya agad ko itong hinila at niyakap ng mahigpit.

"Pero kong iniisip mo na iiwan kita dahil hindi mo ko kayang bigyan ng anak. Nagkakamali ka Von, alam ko maraming mawawala sakin pag pinili kita pero ganun talaga ehh! Mawala nang lahat wag lang ikaw ganun kita ka mahal at kahit paulit ulit akong papiliin tandaan mo ikaw parin ang pipiliin ko." Seryosong banggit ko dito naramdaman kong humigpit ang yakap nito sakin at malakas na ang pag iyak nito.

" Sorry Cyrus, sorry sorry. Sobrang mahal na mahal lang talaga kita ehh! Natatakot lang ako na dahil sakin hindi na makukumpleto yang pagka lalaki mo. Na baka dumating yung panahon na ma realize mo na gusto munang bumuo nang pamilya. As in yung totoong pamilya. " humahagulgol na iyak ni Von sakin.

" Nung dumating ka sa buhay ko Von dun palang alam kong kumpleto na ko at tama ka totoo na gusto kong bumuo ng pamilya at matagal kuna yung narealize at ikaw ang gusto kong makasama. Kung iniisip mo naman yung tungkol sa baby marami ng paraan ngayon para magka baby Von. Wag kang mag alala hindi ako maghahanap ng ibang babae para lang magka anak ako. Hindi ako gagawa ng bagay na pwede kang masaktan at yung tanong mo kay Cassy kanina, walang nangyari samin kahit isang beses totoo yan." Naluluhang banggit ko dito.

Tumingin naman ito sakin ng naka ngiti tapos bumitaw siya saking pagkakayakap nawala na yung takot sa muka nito at sobra akong nag papa salamat dahil totoong ngiti na niya anh binibigay saakin.

Nagulat nalang ako ng lumuhod ito sa harap ko at may nilabas na box galing sa bulsa niya.

"Sabi ng Daddy ko, pag nakita kuna daw yung taong mahal ko ibibigay ko daw to sa kanya. Kasi daw pag binigay ko to sa taong mahal ko hindi daw kami magkaka hiwalay habang buhay." Banggit ni Von sakin.

Mag po-propose ba siya? Tsk. Hindi pwede ayoko ayoko! dapat ako ang gagawa nun sa kanya! Tsk. Nakaka asar naman ehh! Banggit ko sa sarili ko.

" Cyrus nakita kuna yung taong mamahalin ko habang buhay at dahil ayokong mawala kapa sakin bibigay ko tong singsing nato sayo. " banggit pa nito. Tumayo naman to at hinawakan ang kamay ko.

"WAIT LANG VON!! " Pag pigil ko dito. Nabigla naman to at napahinto.

"Ayaw mo ba Cy? " malungkot na banggit nito.

"Oo ayyy hindi hindi! " pagtanggi ko na nalilito.

"Bakit kaba kasi nag po-propose diba ikaw yung bottom ako yung top kaya ibig sabihin ikaw yung babae sating dalawa. Kaya dapat ako ang gagawa niyan sayo! Tsk. Nakaka asar naman ehh! " mabilis na sagot ko dito.

Nagulat naman ako ng bigla ako nitong batukan ng malakas. "Sinong nag sabing nag po-propose ako. Regalo ko to sayo ngayon tsk. " natatawang banggit nito sakin.

"Kasi naman ehh! May paluhod luhod kapa! Kinabahan tuloy ako! " sagot ko din dito na natatawa.

"Mas romantic kasi pag ganun." Banggit nito sakin. Kinuha ulit nito ang kamay ko at sinuot sakin ang singsing. Napangiti naman ako dahil sa ganda ng binigay niya sakin.

"Paalala ko lang ulit sayo huh! Ako ang mag po-propose hindi ikaw huh! Tandaan mo yan." Seryosong banggit ko dito.

"Sino naman nag sabi sayo na tatanggapin ko yung proposal mo?" Nang aasar na sabi ni Von.

"Pag tumanggi ka, papadukot kita tapos bibili ako ng isla papadala kita dun sa isla nayun tapos susunod ako. Dun tayo titirang dalawa diba tapos wala kanang magagawa kahit sumigaw kapa hahaha." Natatawang banggit ko dito. Nahawa naman to sa pag tawa ko na sobrang kinasaya ko.

"Wait Mahal ako din may regalo sayo." Kinuha ko naman ang box sa bulsa ng suit ko at kinuha ang laman nito pinatalikod ko si Von at sinuot sa kanya ang gold na kwintas na may pendant na letter C syempre meaning Cyrus.Meron din ako nun couple necklace talaga yun regalo samin ni Mommy syempre yung sakin letter V alam nyu na ibig sabihin.

Humarap naman to sakin habang hawak hawak ang pendant ng kwintas at naka ngiti ito sakin.
"Salamat Mahal, nagustuhan ko ng sobra." Banggit nito sakin.

" Alin Mahal? Yung kwintas o yung nagbigay ng kwintas?" Tanong ko dito.

" Syempre yung kwintas. Sobrang nagustuhan ko. " sagot nito sakin dahilan para maoa simangot ako.

" eh pano naman yung nagbigay sayo ng kwintas? " nagtatampong tanong ko dito.

"Hayaan muna yun alam naman niya na Mahal na mahal ko siya. " naka ngiting banggit nito sakin.

Hindi ko naman napigilan yung nararamdaman ko. Dahil sa sobrang saya hinapit ko ito palapit saakin at hinalikan na punong puno ng pag mamahal. Sana hindi na matapos to bumitaw kami at parehong naghahabol ng hininga.

"I love you Cyrus, hanggang sa huling araw na hihinga ako." Banggit sakin nito. May kakaiba akong naramdaman dahil sa sinabi nito nakaramdam ako ng takot pero hinayaan ko nalang.

"Mahal na mahal din kita Von at hindi ako papayag na mawala ka sakin. Tandaan mo yan. " sagot ko dito at muli ko itong hinalikan.

End of Chapter - 35
VOTE AND COMMENT.

Veron So 💛💚💜💙❤




Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon