Chapter - 32

7.5K 248 20
                                    

- Von -

Mabilis lang lumipas ang panahon, hindi ko nga naisip na bukas na pala ang 7th monthsary namin ni Cyrus kung iisipin parang kelan lang nangyari ang lahat at sobra akong nag papa salamat na pinagtagpo ulit kami ng panahon. Simula ng maging ok. ako sa parents niya at siya sa parents ko wala na kaming naging problema although minsan nagkaka pikunan, selosan at pataasan kami ng pride hindi parin yun dahilan para mag hiwalay kami.

Wala na din akong balita sa Ex niya simula nang naging kami ulit ni Cyrus hindi kuna siya ulit nakita sa school. Ang balita ko lumipat na daw ng school dahil sobrang na broken hearted daw. Si Chad naman we're good magkaibigan parin naman kami pero sila ni Cyrus hindi na at alam nyu na kung anong dahilan. Minsan nga naging dahilan pa yun ng away namin ehhh!!!

Flashback

Nandito kami ngayon sa unit niya at kanina pa siya iritable na parang may gustong sabihin sakin.

"Kanina kapa Cyrus, muka kang baliw sabihin muna kung may sasabihin ka." Banggit ko dito na natatawa.

"Wag kanang makikipag usap sa kanya! " galit na banggit ni Cyrus.

"Kanino nanaman ba? Aba lahat na ata ng classmate kong lalaki ayaw munang ipakausap sakin? Pati nga mga prof. ko ayaw mong kausap ko. Problema mo ba!! " asar kong sagot dito.

" kay Chad! " galit nitong sagot.

" ohh? Problema mo kay Chad, kaibigan ko naman yun ehh! " mahinahong kong sagot dito para kumalma na siya.

"Basta wag kang makikipag usap sa kanya at sa kahit na sinong lalaki." Seryosong banggit nito.

Tumahimik lang ako at hindi sumagot, seryoso naman itong tumingin sakin at inaantay akong sumagot. Pero nakipag titigan lang ako dito kala niya masisindak niya ko huh.

"Bakit hindi ka sumasagot parang hindi ka kinakausap ahh!!" Asar na banggit nito.

"Diba sinabi mo wag akong makikipag usap sa kahit kaninong lalaki. Sinunod kita ikaw pa galit." Pang aasar ko dito.

"Napaka isip bata mo Von! " asar nitong banggit.

" Tumigil ka nga Cyrus, baka pati Papa ko at Daddy mo hindi mo narin ipakausap sakin. Sa sobrang ka praningan mo." Sagot ko dito.

" pwede din naman! Pag hindi mo sinunod yung gusto ko. " pang aasar nito sakin.

"Tsk. Bipolar! Pero seryoso Cyrus! Hayaan muna si Chad! Alam mo naman na simula ng nagbalikan tayo nawalan na siya ng mga kaibigan diba! Ako nalang yung tinuturing niyang kaibigan kaya pano siya pag iniwasan ko pa siya. Diba dati din naman kayong mag kaibigan kaya alam kong naiintindihan mo ko. " banggit ko dito at natahimik naman tong bigla bago tumabi sakin sofa.

" nag seselos lang naman ako ehh! Natatakot kasi akong baka sa sobrang awa mo sa kanya hindi muna mapigilang sumama sa kanya. Minsan nga naiingit ako sa kanya kasi binibigyan mo siya nang ganyang atensyon. " malungkot na banggit nito.

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa iniisip nito. Kaya agad akong lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit. " Sorry na Mahal, hindi ko manlang naisip na ganyan na pala yung nararamdaman mo. Akala ko kasi naiintindihan mo yung sitwasyon, wag na wag mong iisipin na ipag papalit kita kahit kanino huh! Kahit kay Chad! Sa mga Classmate ko sa Prof ko sa Daddy mo at Papa ko. Tandaan mo ikaw lang Mahal. I love you." Banggit ko dito sabay halik sa noo niya.

" Bakit sa noo lang? " banggit naman nito.

"Kasi pag sa lips nanaman hindi ka nanaman makakatiis tapos papasok nanaman ako sa school na parang pilay." Natatawang banggit ko dito.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon