Chapter - 33

6.6K 236 25
                                    

- VON -

Pinara ko ang Taxi malapit sa isang sea side pagka abot ko ng bayad agad agad akong bumaba. Lakad takbo akong humanap ng pwesto yung walang tao yung wala kahit na ano. Yung walang makaka kita nang sakit at lungkot na nararamdam ko. Hindi kuna napigilan ang pag buhos ng aking mga luha.

Alam kong hindi totoo na anak ni Cyrus ang pinagbubuntis ni Cassy may tiwala ako kay Mahal. Dapat may tiwala ako sa kanya kasi Mahal ko siya at kung kanya man yung pinagbubuntis ni Cassy alam kong hindi yun magiging dahilan para iwan nya ko.

Siguro kakausapin ko nalang si Cyrus, tatanggapin namin yung bata tapos kami na ang magiging magulang tapos parang buong pamilya narin kami. Ganun ang tumatakbo sa isip ko ngayon pero bakit parang hindi tama at hindi sang ayon ang puso ko sa iniisip ko.

Bigla ko nalang naramdaman na parang nanglalabo ang paningin ko hanggang pakiramdam ko nasusuka ako at ang pinaka matindi sa lahat biglang sumakit ang ulo ko na parang nagka-crack. Napahawak ako sa ulo ko at bigla nalang akong nanghina biglang nagdilim ang paningin ko at bumagsak sa lupa.

--------------

Kasalukuyan akong nasa simbahan at patuloy ang pagbuhos nang aking mga luha hindi ko maiwasang sisihin siya kung bakit ganito ang nangyayari samin at sakin ngayon.

Bakit ba kasi ang salbahe ng writer ng story ko lagi nalang akong pinapahirapan tsk. Kailangan bang sumabay pa talaga to ang sitwasyon ko sa problema namin ni Cyrus ngayon. Ibig sabihin ba nito kaya nangyayari ito kasi gusto nyu nang mag hiwalay kami ni Cyrus!

Pinapasuko nyu naba ko? Kaya ba nangyayari to kasi gusto nyo na magkaroon ng normal na buhay si Cyrus? Isang buong pamilya? Yung bagay na hindi ko kayang ibigay sa kanya kaya nangyayari sakin to huh! Hindi kuna napigilang mapa hagulgol ng iyak lalo na nang maalala ko yung nalaman ko kanina.

Flashback

Nagising na ang diwa ko pero nanatili paring nakapikit ang mga mata ko. Alam kong nasa Hospital ako base narin sa kung ano ang pinag uusapan ng nasa paligid ko.

"Anong balita Brad? Ok. Lang ba siya?" Tanong nito, siguro yung Doctor yun.

" Alam mo Rex, seryoso ang case ng taong ito. Dapat nandito ang pamilya niya para masabi natin yung condition niya ngayon. Wala kabang nakuhang I.D o kaya contact person nito? " sagot nung doctor dito.

What? Anong condition? Anong problema sakin!! Shitt!! May sakit ako? Pero pano bakit?. Hindi kuna napigilang imulat ang mga mata ko at napansin naman ito ng dalawang nag uusap kaya nilapitan na nila ako ng naka ngiti.

" Gising kana pala! Ako nga pala si Rex ako yung nagdala sayo dito sa Hospital nakita kasi kitang nahimatay kanina." Banggit nito sakin.

Tumingin naman ako dito at nag pasalamat bago seryosong tumingin sa Doctor " Doc. Ano pong sakit ko. " seryosong tanong ko dito.

Bigla naman nawala ang ngiti sa muka nito. "Nasan ang pamilya mo? Pwede ba natin silang tawagan para malaman nilang nandito ka sa Hospital." Pag iwas nito sa tanong ko.

"Kaya ko ang sarili ko Doc. Hindi na ko bata! Kaya please lang sabihin nyu na." Naluluhang banggit ko dito.

"Ok. Sige kung yan ang gusto mo. Pero I want you to try a second test para ma sure natin kung tama ba talaga ang nakita ko sayo. " Sagot nito sakin.

" Bakit Doc. Ano bang nakita nyo sakin? " kabadong tanong ko dito.

"I'm sorry to say but you have a Brain Tumor." Seryosong banggit nito sakin.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon