Chapter - 9

11.7K 424 26
                                    

- VON -

Naging masaya ang nakalipas na 5 buwan sa relasyon namin ni Cyrus, lagi niyang pinapatunayan kung gano niya ko ka mahal at ganun din ako sa kanya.  Walang araw o oras na hindi ako masaya pag kasama ko siya yung sobrang perfect lang ng lahat saming dalawa kaya nga kahit sinong katabi namin o kasama namin wala ng selos kase sigurado na kame sa isa't-isa.

Pero kagaya ng lahat ng love stories hindi din pala perfect ang samin ni Cyrus  , may mga bagay din talaga na sisira sa relasyon nyu minsan mismong pagkakataon na ang sisira sa inyu.  Naka depende nalang sa inyu kung dahil sa pagsubok nayun titibay kayo o yung pagsubok nayun ang sisira sa inyu.

Nasa Park ako ngayun sa swing at pag nandito ako alam nyu na ang dahilan, mag iinarte nanaman ako. Simula kase nang masali si Cyrus sa basketball team unti unti na siyang nawawalan nang oras sakin.  Pero hindi ko naman siya sinisisi , ganun talaga pag mahal mo eh!  Lahat ng ginagawa niya at gagawin niya kailangan mong intindihin at dahil mahal niya ang sport nayun susuportahan ko siya.

Ganun kalalim ang iniisip ko kaya hindi ko napansin na nandun na pala si Arturo.  "Miss mo na siya no? " banggit niya sakin, siya lang kase ang nakaka alam sa relasyon namin ni Cyrus.

"Hindi no lagi naman kame nagkikita eh! " pag sisinungaling ko sa kanya.

"Nagkikita lang kayo pero hindi kayu nag uusap!  " galit na sagot niya sakin.

"Marami kase siyang ginagawa ngayun! " sagot ko sa kanya.

"Dahilan ba yun Von." Galit niyang sagot sakin.

"Hindi ko din alam Arturo " naluluhang sabe ko sa kanya.  " pero diba dapat intindihin ko siya kase mahal ko siya. " umiiyak kunang sagot sa kanya .

"Mahal mo siya Von alam ko pero ang tanong mahal kapaba niya?. " sagot sakin ni Arturo.

Nagulat naman ako sa sinabi niya , parang tinamaan ako dun . Dahil sa tanong nayun parang nag dududa na ko sa pag mamahal sakin ni Cyrus. "Ano bang pinag sasabi mo Arturo!  Mahal ako nun sigurado ako. " pagtatanggol ko kay Cyrus.

"Talaga lang Von? Kung mahal ka niya hindi niya hahayaang mardaman mo yang nararamdaman mo ngayun. " seryoso niyang banggit sakin.

"Tumigil kana nga Arturo imbis na pagaanin mo yung nararamdaman ko nililito mo pa ko. " sagot ko sa kanya.
"Alam mo namang hindi ako mag sisinungaling sayo diba. " seryoso niya paring banggit sakin.

"Oo naman kaya nga masaya ko na kaibigan kita eh! " nakangiti kunang sagot sa kanya.Nag paalam na kame sa isa't - isa dumiretso naman ako sa basketball court ng school para panoodin ang practice ni Cyrus.

Pag pasok ko palang ng gate kitang kita kuna si Cyrus pinapalibutan ng mga babae nakaramdam ako ng matinding selos gusto ko silang puntahan at sugurin  , pero kagaya dati hinayaan ko lang sila.

Kanina pa ko naka upo dito pero hindi parin ako napapansin ni Cyrus,  sobrang busy siya sa pakikipag usap sa mga babaeng yun at mukang nag e-enjoy naman siya.  Hindi ko naman masisi si Cyrus kung lapitin siya ng mga babae at bakla,  gwapo naman kase talaga siya eh at hindi ko naman siyang pwedeng pigilan sa pakiki pag usap sa kahit kanino,  kase nga karapatan niya yun.

Mahigit isang oras na kong nag aantay na lapitan niya ko pero sadyang busy lang talaga siya.  Kaya nag decide akong umuwi nalang,  palabas na ko ng court ng biglang may tumawag sakin.

" Von " naka ngiti nitong banggit sakin.  Nasaktan naman ako dahil sa tawag niya sakin,  bakit ngayun Von nalang samantalang dati kahit nasan kame kahit sinong makarinig Mahal ang tawag niya sakin. Humarap naman ako sa kanya at pilit na ngumiti.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon