Chapter - 24

9.2K 379 105
                                    

- VON -

Narinig kong may kumakatok sa pinto ng unit ko at bigla nalang akong kinabahan ng sobra. Inaasahan ko naman na si Chad ang dadating ehh! Ewan ko ba sa sarili ko bat napapraning ako! samantalang sasama lang naman ako sa party na pupuntahan niya pero grabe yung kaba ko. Yung feeling na may something na kakaiba akong nararamdaman .Yung feeling na may pumipigil sayong pumunta doon pero hindi mo alam yung dahilan kung bakit? basta ganun yung nararamdaman ko ang hirap i-explain ehh!!!.

Kinakabahang lumapit naman ako sa pinto at pinag buksan ito. Halos matulala naman ako ng makita ang itsura nito, yung kaba ko kanina parang mas lalo atang na doble feeling ko mamatay ako ng maaga dahil sa sakit sa puso. Bakit kase ang gwapo gwapo niya ngayun, samantalang napaka simple lang naman ng suot niya. Napatigil lang ako sa pagtingin sa kanya ng mag salita na ito.

" Pakiramdam ko nahubaran mo na ko sa paraan ng pag titig mo. " pang aasar nito sakin.

Tinitigan ko naman ito ng masama, pero ang loko natawa lang."arayyy!! ngayun naman pinapatay muna ko sa titig mo. Ano bang plano mo rape muna tapos papatayin mo! wag ganun Von" pang aasar pa nito sakin.

" Mr. Smith anong bang sadya mo dito?!!!" banggit ko dito. " Dahil kung hindi importante yang ipinunta mo dito pwede kanang umalis. WALA KONG ORAS MAKI PAG BIRUAN SAYO!! " masungit na banggit ko dito kahit alam ko naman ang sagot.

"Huh? nakalimutan mo ba? diba may usapan tayo na susunduin kita." paawang banggit nito sakin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay bago sumagot "anong huh? Parang wala naman akong nabalitaan na umoo ako sayo kahapon. " pang aasar ko dito.

Namula naman ang muka nito sa sobrang asar at lumapit sakin, hinawakan nito ang dalawang kamay ko at tinulak ako hanggang sa madikit ako sa pader yung tipong wala na kong takas tapos unti-unti niyang nilalapit sakin yung muka niya yung saktong saktong magkaka titigan kami. " akala mo ba nakikipag biruan ako sayo Von!" seryosong banggit nito saakin.

Bigla naman nag si taasan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pag tama ng mainit na hanging binubuga nang bibig niya na tumatama sa leeg ko. Tinulak ko naman siya palayo sakin dahil baka mahalata niyang tensyonado ako sa pag dikit niya sakin. " ba-bakit mo ginagawa to Chad? dahil ba alam mong bakla ako? pinagtritripan mo ba ko?.! " banggit ko dito na nauutal pa!

Parang nabigla naman siya dahil sa tanong ko. Yung kaninang seryoso niyang itsura napalitan na ngayun ng pag aalala. " Sorry Von!" banggit nito sakin tapos lumayo na siya sakin ng kaunti. "alam kong bakla pero hindi ganun yung iniisip ko sayo, alam ko naman na mabuti kang tao ehh! " malungkot na banggit nito sakin. " Nakikipag biruan lang naman ako ehhh!! akala ko kase magkaibigan na tayo, pero sige na nga hindi na kita pipilitin sumama sakin sorry talaga. " banggit pa nito.

Nakokonsensya naman ako na hindi sumama sa kanya pagkatapos ba naman niya kong isalba kahapon sa nangyrai sakin hindi ko manlang siya mapagbigyan sa hiling niya. Naasar kase ako sa sarili ko ehhh! nasanay na kase akong walang lumalapit sakin na ibang tao. Nasanay na akong ako nalang, kaya parang nahihirapan akong mag adjust sa mga ginagawa ni Chad.Palabas na siya ng bahay huminga naman ako ng malalim bago nag salita.

" Sige sasama na ko." banggit ko dito. Lumingon naman ito saakin at napangiti dahil sa sinabi ko. " Pero wag mokong pipiliting uminom ng alak!" pahabol ko pa.

"Oo Promise hindi ka iinom" masayang banggit nito saakin " salamat talaga Von sobrang saya ko. " pahabol pa nito.

"Teka nga Chad! san ba tayo pupunta?" tanong ko dito.

"Sa party ng kaibigan dito lang sa kabilang unit! ohh! diba malapit lang." tumatawang banggit nito saakin.

"Huh? dyan lang pala ehhh! bat isasama mo pa ko!" nagtatakang tanong ko dito.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon