Chapter - 29

9.8K 293 38
                                    

- VON -

" Anong ginagawa mo dito? bat hindi ka manlang nag pasabi na pupunta ka! Ang lakas pa naman ng ulan." nag aalalang banggit sakin ni Arthuro

" Busy kaba? sorry huh! pero kung busy ka sige aalis na muna ko " naluluhang banggit ko dito.

Nagulat naman ako ng bigla akong hilahin nito papasok sa bahay niya. Hinila ako nito hanggang sa upuan at bigla itong umalis at pumasok sa kwarto nito, pagbalik niya may dala na siyang towel at isang t-shirt at short. " Mag palit ka muna at baka magka sakit kapa." banggit nito sakin.

" Salamat" banggit ko dito at ngiti lamang ang naging tugon nito. Paglabas ko naman ng banyo ay may inabot ito saaking kape.

" Ano bang nangyari sayo at gabing gabi na ehh!! nag gagala kapa." nag aalalang tanong nito sakin.

" huh! wala naman, hindi ba pwedeng na- miss kita! " sagot ko naman dito.

" Kilala kita Von! kahit anong iwas ang gawin mo sakin malalaman at malalaman ko parin kung may tinatago ka! kaya sige na i-kwento muna. " seryosong banggit nito saakin.

Na pahinga naman ako ng malalim dahil sa sinabi nito. Hindi talaga ko makaiwas sa taong to pagdating sa mga problema ko.

"Ano na Von? mananahimik kana lang ba dyan?" nag aabang na banggit nito saakin.

"ok. ok.! ito na nga diba! May nagawa kase akong kasalanan." banggit ko dito.

"at ano naman yun? " curious na tanong nito saakin.

"Nagka balikan na kami ni Cyrus!" banggit ko dito pero ngumiti lamang ito, ini-expect ko pa naman na magugulat siya kaso wala manlang siyang sinagot kaya tinuloy ko nalang yung kwento ko. " Kaso may nakalimutan ako! Nakalimutan kong bago pala ako bumalik sa buhay niya meron na pala siyang bago. " naluluhang banggit ko dito.

" Bakit nakita mo ba silang dalawa ni Cyrus na magkasama? " tanong nito saakin.

"Nakita ko silang nag hahalikan. " sagot ko naman dito.

" Aba! gagong Cyrus yun ahhh! Pinag titripan ka ata ahh! " galit na banggit nito saakin.

" Hindi Arthuro! alam kong hindi ako niloloko ni Cyrus! Alam ko kung kelan siya nag sasabi ng totoo at hindi totoo. Hindi naman ako galit dahil nakipag halikan siya sa Girlfriend niya! " para namang winasak yung puso ko ng banggitin ko yung salitang girlfriend niya ." Nasasaktan ako kase ang Tanga ko! parang nanlulumo ako sa sarili ko dahil pinabayaan ko siyang pasukin ulit yung mundo ko samantalang may bago na siyang mundo. Tsaka parang napaka sama kong tao sa side ni Cassy! Isipin mo nalang may relasyon pa sila tapos nakiki sali ako sa kanila." umiiyak kong banggit kay Arthuro.

" Pero Von! Alam naman natin na mas nauna kapa kesa kay Cassy na kagaya nga nang sabi mo alam mo na ikaw ang mas mahal ni Cyrus! kaya dapat wag kang matakot na ipaglaban siya." sagot naman nito saakin.

" Oo dati ako ang mahal ni Cyrus! at kahit sabihin ko paring mahal niya ko hindi ko pwedeng gamiting batayan yun para lang masabi ko na ako ang pipilliin niya kesa kay Cassy . Naasar ako sa sarili ko bat kase nawala sa isip ko na may Cassy na pala sa buhay ni Cyrus." banggit ko dito.

"Kung papiliin mo nalang kaya si Cyrus kung sino ang mas mahal niya sa inyong dalawa ni Cassy, Kung ikaw ang pipiliin niya edi mabuti matutuloy na yung Love story nyo, pero kung si Cassy ang pipiliin niya edi ganun talaga baka hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa." sagot nito saakin.

Parang napa isip naman ako sa sinabi ni Arthuro! "wala ako sa lugar para papiliin si Cyrus kung sino saaming dalawa ni Cassy ang dapat niyang piliin. Nakakalimutan mo atang ako ang naki sali sa relasyon nila, kaya kahit sang anggulo pang tignan ako parin ang mali dito." tsaka parang hindi ko gusto yung idea na si Cassy ang pipiliin ni Cyrus , ngayun palang na naiisip ko yun parang pinapatay na ko sa sakit sa puso.

Second Chance (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon