Chapter 3: The Slave and the Heiress

Start from the beginning
                                    

Nagmamadaling naglakad sa daan, palinga-linga si Fate.. Naghahanap ng taxi na masasakyan.

Muntik pa siyang mapatili nang biglang may bumusina sa kanyang likuran. Isang napagarang itim na kotse. Hindi mahilig sa mga kotse si Fate pero napahanga siya sa isang ‘to. Never pa niyang nakita ang kotseng ‘to sa market. New release siguro or customized.

Biglang huminto ang kotse sa gilid niya at dumungaw sa bintana si Ayden. “Hop in! You’re not safe here. Ihahatid na kita.”

Wow huh? Isang slave na super duper ang gara ng kotse. Parang ilang years pa ang itatrabaho ko para makabili lang ng ganyan.  Oh baka nga malabong makabili ako ng ganyan. Halatang may tinatago ang isang ‘to.“No thanks. Hahanap na lang ako ng taxi.

Mukhang binigyan ako ni Cupid ng isang time bomb. Anytime, pwedeng sumabog. “Para sa isang babaeng muntik ng mapahamak kanina, ang tigas ng ulo mo. Sakay na. Ihahatid na kita.”

Mas mahirap pa ‘to sa inaasahan ni Ayden. Ito ang klase ng babaeng parang may galit sa lahat ng mga lalaki. Napakahirap pakisamahan o sadyang ayaw lang talagang makisama. Aloof and unfriendly. Sanay mabuhay mag-isa. Independent at malakas ang loob.

Wag ka nga makulit”, nakikisabay ang kotse ni Ayden sa gilid niya. “Wala akong tiwala sa ‘yo! Mind your own business pwede?”

Such a hardheaded one, Ayden was amused. Ito lang yata ang babaeng nagtataray sa kanya. Halos lahat ng babae gusto siyang i-flirt sa tuwing kakausapin na niya. Pero ito? Para talaga siyang time bomb. Sumasakit lalo ang ulo ni Ayden.  Mahirap suyuin. “Wala kang tiwala sa nag-save sa ‘yo? Sakay na. Kahit ito na lang ang way of saying your thanks to me.

“Leave me alone SLAVE”, pinag-diinan talaga ni Fate ang salitang slave para tumigil na ang isang ‘to. Wala siyang balak sumakay ng kotse niya at baka kung saan siya dadalhin nito. Mahirap nang magtiwala sa isang taong hindi naman niya kaano-ano. Kung nagagawa nga siyang pagtaksilan ng mga kamag-anak niya, ano pa kaya ang isang estranghero?

Hindi pa siya nakakalayo, biglang kumidlat at bumuhos ang ulan! Ang ganda ng panahon kahit gabi na pero bigla na lang sumimangot. Ang weird ng feeling ni Fate. Kitang kita naman niya ang ganda ng buwan pero umuulan. Basang basa na tuloy siya.

Bumaba si Ayden sa kotse at nagmamadaling naglakad papalapit kay Fate. Walang imik, hinawakan nito ang  kamay niya na para bang kinakaladkad na si Fate papunta sa nakaparadang kotse.

Lihim naman na napangisi si Ayden sa nangyari sabay tingin sa langit.

Nice one Cupid!

. . .

Parehong walang imik sa byahe. “Sa’n ka nakatira?”

Hindi na alam ni Fate kung anong nangyari. Nagulat lang siya sa ulan, tapos, nandito na siya nakaupo sa passenger’s seat katabi ang isang estranherong ubod ng kulit. “Ibaba mo na lang ako sa terminal.”

Kitang kita niyang sumimangot ang lalaking ‘to pero agad ding nawala. “I don’t mind driving you home heiress. It’s better driving you home safely than letting you out in this car. This night is not your night at all, Ms. Heiress.

Quit saying that WORD.” Nakakairitang pakinggan para kay Fate. Inulit-ulit pa. Dahil sa word na ‘yan, lagi siyang napapahamak. HEIRESS.  Isang katibayang, dadalhin niya ang isang sumpa hanggang kamatayan. “You know my name.” hmp.

Sinulyapan pa siya ni Ayden sabay ngiti bago ibinalik ang focus sa pag-di-drive.“Yeah, like that SLAVE you’re intentionally saying to me too.”

ADK II: Cupid's Slave (✔️)Where stories live. Discover now