He tilts his head to meet my eyes. "I'll remember that..." he smiles and it's so cute and genuine, "Thanks, Alisson."

"You're welcome, kid."

Sumimangot siya bigla, "I'm not a kid."

Sabay pa kaming napalingon nang magsalita si Hunter.

"No offense dudes, but I aint carrying none of you." He's talking to Aiden and Noah. Can't blame him, really. Masyadong malaking bulas ang dalawa para sa kanya.

Noah wants to join the fun, so he carries Aiden on his back instead.

On Hunter's signal, Jacin, Miles, Orange and Noah run to the beach while carrying us. Ang higpit ng kapit ko kay Jacin habang pababa ng hagdan, masyado siyang mabilis! He's skipping down the steps three at a time!

We reach the sand kaya lalo pang binilisan ni Jacin ang takbo niya. Kasunod namin si Tyler at Miles na anumang segundo ay malalampasan na kami. Pero iba ang bilis ng mga paa ni Jacin, may ibibilis pa pala ang takbo niya!

He stops when we're at the shore, at nang naabot na ng tubig dagat ang paa niya. Hinarap niya ang paparating pa lang na mga kalaban niya, "Looks like I'm the winner."

Dahan-dahan siyang umupo para madali akong makaalis sa balikat niya.

"You little shit, may lahi ka bang kabayo?" tanong ni Miles, hinihingal na ibinaba si Samantha.

"Try asking Hunter that, turtleheads."

Tyler and Noah are almost out of their breaths too, while putting Aiden and Ice down.

Si Jacin? Mukhang fresh pa rin. Parang hindi siya tumakbo ng malayo habang bitbit ako sa balikat.

"I fucking heard you, Jacin!" sigaw ni Hunter na tumatakbo palapit sa'min.

Nagtawanan kaming lahat, except kay Tyler na masama pa rin ang tingin sa'kin. Inaano ko ba siya? I smirk at him, "Who's the loser now?"

At ang lolo n'yo, inirapan ako! Aba! Porque maganda ang mata niya?!

Jacin runs again, dahil palapit na si Hunter who's about to beat his ass. Ang tagal din nilang naghabulan, Jacin probably gets tired kaya bumagal na ang takbo niya, naabutan siya ni Hunter, pero nasasalag at naiilagan niya pa rin ang mga pabirong sipa at suntok nito.

Ang lakas ng tawa namin habang pinapanuod sila.

And then they stop. Jacin says something to Hunter, and Hunter listens attentively. Hindi ko sila marinig dahil medyo malayo sila sa'min. Tinawag nila si Miles maya-maya at tatlo na silang nag-uusap ng seryoso.

And at the exact same time, their eyes shift on me and in perfect synchronization, they all smirk!

Nawala ang ngiti ko. Napaurong ako ng ilang hakbang.

Hindi maganda ang kutob ko dito.

On instinct, tumakbo ako.

I did the right thing! Dahil paglingon ko, hinahabol na nila kong tatlo. What the hell?! Nasapian ba sila?! Bakit nila ko hinahabol?!

Si Jacin! Ang bwisit na si Jacin! Masyado siyang mabilis, kingina maabutan na niya—

"Gotcha!" he catches my arm and pulls me to him so hard that I bump my head into his solid bare chest. "Nice instincts."

"Thanks." sarkastikong sabi ko.

"I heard you talking about my abs."

Napanganga ako. "Uhhh... sorry. I'll make sure you won't hear it next time."

Pretending with the Snob (Pyxis #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon