Pakiramdam nga ni Robbie ay tuloyan ng nawala ang pagmamahal na inialay niya kay Blaze Chua sa loob ng mahabang panahon. Pakiramdam niya ay napalitan na ni Jaguar ang ranggo nito sa puso niya.

Nang matapos maligo si Robbie binalot na niya ang kahubadan niya sa puting twalya na nakasabit doon. Lumabas siya ng banyo at sinubukang hanapin si Jaguar ngunit wala na ito sa silid.

Nagkibit-balikat na lang siya at saka sinimulang ayosan ang sarili. Papunta na sana siya sa walk in closet ng mapansin niya ang itim na T-shirt at denim jeans sa ibabaw ng kama. May kasama na din iyong sapatos, a branded rubber shoes to be exact.

Kinuha niya ang itim na T-shirt at pinakatitigan. It looked fit to her but the print.. Napakunot ang noo niya sa print na naka-sulat doon.

“I'm crazy over him?!” Basa niya sa nakasulat. Actually, patanong na aniya. “What's with the print?! Kasing weird ni Jaguar.”

But then, kinuha niya pa din iyon at iyon ang isinuot sa sarili. Hindi naman iyon dapat nakahanda doon kung hindi naman iyon ang gusto ni Jaguar na suotin niya hindi ba?!

Pigil siyang napangiti. Ewan niya ba, feeling niya this is gonna be a very very good day!

KASALUKUYANG nag aayos si Robbie ng buhok ng pumasok si Jaguar sa silid. Ganoon nalang ang pagkagulat niya ng makita ang suot nito sa salamin. Literal niyang nahulog ang hair brush na hawak niya at saka dahan dahang humarap kay Jaguar.

What the hell?!

Jaguar was wearing exactly the same shirt and shoes like hers. Ang pinagkaiba lang ng shirt nila ay sa print. Kung sa kanya ang nakalagay ay I'm crazy over him, kay Jaguar naman ang nakalagay ay She's crazy over me. What the hell talaga!

Muli niyang pinasadahan ng tingin ang binata mula ulo hanggang paa. Damn! Nabigyan nito ng hustisya ang suot nito. And they looked perfect together wearing than shirt and shoes. What is this?! A couple thingy?

“Babe?!” Robbie snapped hearing his voice. Nasa harapan na pala niya ang binata ang kunot na kunot ang noo nito. Para bang nagtataka. “Are you alright?! May masakit ba sayo?! Kung gusto mo dito nalang tayo, magpahinga ka muna, I know you're still sore.”

Pinamulahan siya agad ng pisngi sa huling sinabi nito. “H-hindi, nagulat lang ako, parehas tayo ng suot.”

“Ayaw mo ba?! Magpapalit ako kung gusto mo.”

Darn why is he so sweet like this. Kanina pa gustong tumili ni Robbie sa kilig kaso pinipigilan niya lang ang sarili niya. Ewan niya ba! Nahihiya siya kay Jaguar sa di malamang dahilan.

Umiling siya. “H-huwag na! H-halika na. Alis na tayo.” Damn! Bakit ba siya nauutal? Nakakaloka!

Nakarating sila sa isang sikat na Grocery store. At dahil sobrang hyper ni Robbie ngayon, siya mismo ang sumakay sa pushcart na tulak tulak ni Jaguar habang namimili sila. Panay ang kuha ni Robbie ng mga junkfoods, binubuksan niya iyon at saka nilalantakan na. Mabuti nalang at pwede iyon dito sa grocery store as long as babayaran mo naman.

“Jaguar! Doon tayo dali!” Aniya ng makita niya ang chocolate section doon.

Napailing naman ang binata at saka itinulak ang push cart. “Kaya mabigat, malakas kumain.”

She immediately looked at Jaguar and glared at him. “Anong sabi mo?! Sinong malakas kumain?!” Pinanlakihan niya ito ng mata.

Nag iwas naman ng tingin si Jaguar at saka kumuha ng kung ano doon sa shelf. Natawa pa si Robbie ng makita niya kung ano ang hawak hawak mg binata.

“Pfft. Magna-napkin ka Mr. Chui?!” Tudyo niya.

Nanlaki ang singkit nitong mga mata ma lalong ikinatuwa niya. Lumingon ito sa hawak hawak nitong napkin at saka pinamulahan. Agad nitong ibinalik iyon sa pagkakasalansan doon.

8ET: Sweet Temptation (COMPLETED) UNEDITED VERSIONWhere stories live. Discover now