Chapter 14

48 4 0
                                    

ANDREA's

Kawawang bata, iniwan na nang mga magulang.

Hindi kana babalikan ng Daddy mo baby girl.

Umalis na siya kasama ang mga kapatid mo.

"Andrea! Andrea! Wake Up!" bigla akong napa-upo ng magising ako dahil sa yugyog ng kung sino. I look around the room.

Puti, puro puti. Malamang sa malamang eh nasa hospital nanaman ako. Nabaling ang tingin ko kay Lavi ng tawagin niya ulit ako. Halata sa kanyang wala pa siyang maayos na tulog, kitang kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"Are you okay? May masakit ba sayo? Gusto mo ng tubig? Or do you want to eat something?" sunod sunod niyang tanong.

Hindi ako makasagot sa mga tanong niya. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niyang mukhang pagod na pagod.

"Have you slept?" tanong ko makaraan ang ilang minutong titigan namin. Napabuga naman siya ng hangin ng marinig ang tanong ko, nanghihina siyang napaupo sa upuan katabi ng kamang hinihigaan ko.

"I'm sorry, this is all my fault. Sana pumayag nalang ako nung nag-aya kang umuwi. I should've known na may kakaiba na sa kilos mo. Sana hindi na kita—" natigilan siya sa pagsasabi ng mga sentemyento niya ng hawakan ko ang mga kamay niya na nakapatong sa kama.

He stared at our hands for a while before his eyes went up to meet mine.

"It's not your fault Lavi. Hindi mo naman kasalanan na takot ako sa mga salamin. Hindi mo rin kasalanan na hindi ko sinabi sayo ang tungkol doon. This is not your fault, Lavi. Wala kang kasalanan."

"Pero—" hinaplos ko ang mukha niya gamit ang kanang kamay ko at nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

"Lavi, it's no one's fault. Stop blaming yourself sa mga bagay na hindi mo naman ginustong mangyari." Hinawakan niya lang ang kamay ko na nakahawak sa pisngi niya at mariing pumikit.

"Andrea, may hihilingin sana 'ko."

"What is it?" tanong ko sa kanya sa malambing na boses.

"Pwede bang... pwede bang hilingin ko sayong wag na muna natin isiping pag-papanggap lang ang lahat?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"What do you mean Lavi?"

"Andrea... Let's live everyday like there will be no tomorrow. Worrying about the future will take the time that we can actually just be happy. Let's just think about now. Pwede ba yun? Pwede bang kalimutan muna natin ang tungkol sa rules? Pwede bang wala munang Cedric at Justine? Pwede bang tayo muna? Tayo lang dalawa?" habang sinasabi niya yun ay nakatingin lang siya sa mga mata ko.

"Why... are you being like this all of a sudden?" taka kong tanong sa kanya. Inilayo niya ang mga kamay namin sa mukha niya pero hindi niya binitawan ang mga kamay ko.

"I don't know Andrea. Ang alam ko lang when I'm with you it feels like everything will be alright. Like every fears and doubts that I have vanished just by being with you."

W-what?

"Lavi you know that falling in love is not part of our relationship." I reminded him. Binitawan niya ang kamay ko at napasabunot sa buhok niya dahil sa frustration.

"I know. I know, Andrea. I'm not exactly falling for you... yet." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi niya.

"I just like being with you. When you're around me, parang lahat ng problema ko nakakalimutan ko. So please? Let's forget about them for a while. Pwede ba?" he ask while looking at me hopefully. Matagal akong napatitig sa kanya bago ako napabuntong hininga at tumango.

8 Rules to Play (RULES DUOLOGY BOOK ONE - COMPLETED)Where stories live. Discover now