"Excuse me Myls? Hello, kung sa pabaitan, pagandahan ng itsura, pagiging sweet, caring, thoughtful, at kung anu-ano pa, wala silang panama lahat kay Alyssa no! Kung merong tao na masasabi ko na perfect talagang maging girlfriend, si Alyssa lang yon no! Wala nang iba!" proud na sabi ko dito. Totoo naman eh. Kung kay Alyssa rin lang at sa kung sinong Poncio Pilato dyan, kay Baby Ly na ako. Solid!

"So, perfect girlfriend para sa'yo si Valdez?" tanong pa sa akin ni Myla.

"Oo naman! As in, perfect! Sobrang swerte ng magiging girlfriend nya." sabi ko pa.

"At gusto mo syang maging girlfriend?" nakangiting tanong naman sa akin ni Ella.

Sasagot na sana ako pero bigla akong natigilan nang biglang may nagsalita sa likod namin.

"Oo nga naman Dennise Michelle, gusto mo ba syang maging girlfriend? At swerte ka na kapag naging kayo nung taong yon. Sobrang PERFECT nya diba?" at kahit hindi ko sya lingunin, alam kong nakangiti sya habang sinasabi yon.

Para namang biglang gusto kong maglaho na lang ako na parang bula ngayong mga panahong 'to dahil sa sobrang kahihiyan. Jusko, bakit nya pa kasi kailangang marinig yung pinag-uusapan namin eh. Diba dapat nandun pa sila sa gitna ni Nicole at sumasayaw? Ugh!

"Pero may point naman sya Ly, ang swerte naman talaga ni Dennise sa'yo." Hala! At narinig din pala ni Nicole yung sinabi ko? Ayawan na, sobrang kahihiyan na 'to Dennise!

"Michie?" tawag pa sa akin ni Alyssa.

"Uh, ano kasi, ah---" F*ck! Nawawala ata yung dila ko. Hindi ako makapagsalita.

Tumingin ako kay Ella at kay Myla para humingi sana ng tulong pero pareho lang silang nakangiti ng nakakaloko sa akin. Ang babait talaga nilang mga kaibigan. Ganyan sila eh.

"Michie, naghihintay pa rin kami sa sagot mo." sabi pa ni Alyssa.

"A-ano kase----"

"Sayaw tayo Dennise." yun lang yung narinig ko and the next thing I knew, nasa gitna na rin ako ng dance floor habang akay-akay ni Caloy.

Hindi ko na rin nilingon sila Alyssa dahil baka hindi ko kayanin na salubungin yung tingin nya.

"You owe me one, Dennise." nakangiting sabi ni Caloy habang sumasayaw kami. "I saved you there."

Totoo naman. Nakahinga naman talaga ako ng maluwag nung inilayo ako ni Caloy sa kanila. Hindi ko rin kasi talaga alam kung anong isasagot ko eh. Alangan namang sabihin ko agad na oo diba? Para namang ang easy easy ko non. Aba dapat paghirapan nya yung matamis kong 'OO' diba?

"Yeah. Salamat ha. Buti na lang hinila mo ako." nakangiting sabi ko naman dito.

"Ikaw kasi, masyado kang taklesa at masyado mong pinapahalata na patay na patay ka sa pinsan ko." sabay ngiti nya na parang nanunukso.

"Eh malay ko ba naman kasi na nasa likuran ko sila no? Nung huling tingin ko kasi, nandun pa sila sa dance floor at sweet na sweet na nagsasayaw."

"Selos ka naman?" tukso pa nito.

"Ay wow, kung makapanukso ka, parang hindi ka nanliligaw sa akin ah." natatawang sabi ko naman.

What ifOnde as histórias ganham vida. Descobre agora