Chapter 10

4K 183 3
                                    

DENNISE' POV:

"So ano 'to, hanggang ngayon pinupulikat ka pa rin Dennise?" nakataas ang kilay na tanong sa amin ni Myla.

Nakaupo kasi ako ngayon sa lap ni Alyssa habang nakapatong yung paa naming dalawa sa upuan ko. Tapos nilalaro-laro pa nya yung kamay ko. Parang magjowa lang ang peg.

Ewan ko ba dito kay Alyssa. After kasi namin umuwi galing Liliw, aba naging super clingy. Dalawang araw na rin nya akong sinusundo sa bahay at dinadalhan ng breakfast. Tapos eto nga ngayon, paupo na dapat ako sa upuan ko pero hinila ako at pinaupo sa lap nya kasi nga daw miss na daw nya ako.

Jusme, makamiss naman sya eh kagabi, late na syang umuwi galing sa bahay no! Hindi naman ako nagrereklamo kaso nakakahiya sa mga friends namin, baka kasi kung anu-ano yung isipin nila eh.

"Baby Ly, dun na kasi ako sa upuan ko." bulong ko sa kanya. Di na namin parehong sinagot si Myla dahil baka madami pang itanong ulit. Nakakatamad sumagot. Dibale kung si Alyssa yung magtatanong sa akin, sasagutin ko agad, chos!

"Mamaya na Michie. Mas gusto ko yung ganito ka kalapit sa akin." sabi naman nya sabay sabay patong pa nung baba nya sa may balikat ko.

Malapit-lapit na na akong mamatay sa sakit sa puso dahil dito sa babaeng 'to eh.

"Hoy kayong dalawa! Maghiwalay nga kayo at nakakahiya sa ibang teammates natin. Masyado kayong PDA!" sabi ni Ella sabay hila sa akin palayo kay Alyssa.

Hahawakan sana ako ni Alyssa pero pinigilan sya nila Ara at Myla.

"Guys naman eh!" reklamo ni Alyssa.

"Bawal kayong maglapit hangga't hindi nyo inaamin kung anong meron sa inyong dalawa!" seryosong sabi dito ni Myla.

Hay. Ano nga bang meron kaming dalawa ni Alyssa? Wala. Waley. Nada. Wala naman syang sinasabi sa'kin eh.

"Magkaibigan kami ni Michie. Walang labis, walang kulang." sagot naman ni Alyssa.

See? Sabi ko naman sa inyo eh. Magkaibigan lang kami para sa kanya. Hay.

Ngumiti naman ako sa kanila para hindi halatang nasasaktan ako.

"Adik din kayo eh. Bawal bang maging sweet ang magkaibigan? At saka bakit ba kayo nag-iisip ng ganyan sa aming dalawa eh mas maliwanag naman sa sikat ng araw na si Laura yung mahal nyang si Alyssa no!" nakangiti pa ring sabi ko sa kanila.

Pinipilit kong hindi tumingin kay Alyssa dahil baka bigla akong umiyak dito dahil nasaktan ako sa sinabi nya. At kay Ella na alam kong makakayang basahin yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

" Ay sorry Valdez. Hindi ba nasabi sa inyo ni Lau? Sinagot na nya ako kagabi, so bawal ka nang manligaw sa kanya. Taken na sya." nakangiting sabi ni Von.

Sabay-sabay naman kaming napatingin kay Laura, well, pwera kay Alyssa na parang wala lang sa kanya yung narinig nya.

"At bakit hindi namin alam 'to Laura?!" nakataas ang kilay na tanong ni Ella dito.

"Sasabihin ko naman kaso naunahan ako nitong si Von. Sorry guys ha. And sorry Alyssa." apologetic na sabi ni Lau.

Tumango naman sa kanila si Alyssa at ngumiti.

"Basta kung saan ka masaya Lau." narinig naming sabi ni Alyssa.

"Ikaw din Ly. Wag mong kakalimutan yung isinulat ko dun sa puso." sabi la ni Lau sabay kindat kay Alyssa.

Takang napatingin naman ako kay Alyssa na nakatingin din pala sa akin. Okay, heart, stop beating fast please. Kumalma ka.

"Ly, tawag ka ni Monica sa office nya." natigil yung titigan namin ni Alyssa nung tinawag sya ni Caloy.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon