Chapter 3

4.2K 170 4
                                    

DENNISE' POV:

"Ano bang problema mo Lazaro?! Kanina ka pa ah!" inis na sabi nya sa akin. Papa'no kasi, kanina ko pa sya pinapakelaman sa mga calls nya dahil napakawalang kwenta ng mga sinasabi nya sa mga kliyente.

Ngayon alam ko na kung bakit sya yung pinakamababa yung quality score sa'ming lahat dito. Kahit kelan talaga 'tong Valdez na 'to o. Pasalamat sya at wala pang nagcocomplain na client sa kanya kahit ganito syang makipag-usap.

"Ayusin mo kasi. Kapag may nagcomplain sa'yo, hindi lang ikaw yung mapapagalitan. Madadamay ako dahil naka-buddy up ako sa'yo." mahinahong sabi ko sa kanya. Ayokong sabayan yung galit nya dahil baka may awayin na naman syang kliyente mamaya.

"Eh di mas maganda." narinig kong bulong nya.

Hay, ang tigas ng ulo. Hindi talaga marunong makinig 'tong isang 'to.

At dahil ayoko nga ng away, binabaan ko na lang yung pride ko.

"Please Alyssa? Hindi naman para sa akin yung ginagawa ko eh. Para sa'yo 'to. Ayokong mapagalitan ka at masabon ni Ms. Monica." mahinang sabi ko sabay hawak sa kamay nya.

Napatingin naman sya sa akin dahil sa ginawa ko. Napangiti ako nang makita ko yung mga mata nya. Ganun kasing tumingin sa akin yung 'dating' Alyssa na kilala ko. Yung Alyssa na bestfriend ko simula pagkabata.

Narinig ko na nagsigh sya kaya mas lalo akong napangiti. Alam ko sa ngayon pa lang na panalo na ako. Alam kong susundin nya na ako.

At hindi nga ako nagkamali dahil nung may pumasok ulit na call, naging mahinahon sya at sinagot lahat ng maayos yung tanong ng client. Nagpapaalam na rin sya ng maayos kapag ihohold yung call. Hindi tulad kanina na basta-basta na lang nya hinohold or minsan, naka-mute lang. Ayun, after ng call, nagpatransfer pa sa supervisor yung client para icompliment sya.

"Happy now?" tanong nya sa akin after nya maitransfer yung call kay Sir Caloy.

Ngumiti naman ako sa kanya ng pagkatamis-tamis.

"Yes Baby Ly. Very happy." sabi ko sabay kiss sa cheek nya.

Napanganga naman sya at napatulala sa ginawa ko. Sus, as if naman hindi ko laging ginagawa sa kanya dati yan kapag natutuwa ako sa kanya.

"Focus Ly. Focus." pigil ang ngiting sabi ko sa kanya sabay turo sa avaya dahil may pumasok ulit na call.

Napangiti ako ng lihim nung napansin kong namumula pa rin sya kahit may kausap na syang client. Hmm, at least, alam ko na ngayon na ganun pa rin pala yung epekto ko kay Alyssa.

"Ehem. Hindi naman sa gusto kong putulin yung pagmomoment nyong dalawa pero lunch break na kasi namin ni Baldo. Okay lang ba kung hihiramin ko muna sya?" naputol yung pagtitig ko kay Alyssa nang biglang lumapit sa amin Myla, yung isa naming teammate na super close kay Valdez.

Paglingon ko dito, nakasmile sya sa amin ni Alyssa habang nakaakbay kay Ara.

Ngumiti naman ako sa kanila at tumango.

"Go lang. Kanina pa mainit yung ulo ng kaibigan nyo eh. Baka gutom na talaga. Pakainin nyo ng madami para mamaya, hindi na masungit." biro ko sa kanila.

"Ikaw Dennise, gusto mong sumama maglunch sa amin?" tanong ni Ara.

"Sasabay na lang ako kila--" naputol yung sasabihin ko dahil paglingon ko, kasama nila Laura at Ella si Sir Caloy at papalapit sa amin. Uh-oh, sinasabi ko naman sa dalawang 'to na ayokong kasabay kumain yung isang yon eh.

What ifWhere stories live. Discover now