Chapter 12

4K 199 2
                                    

AN: Sorry kung medyo natagalan :) Enjoy!

===============================

DENNISE' POV:

"O, ano na namang pakulo ng management yan?" reklamo na naman ng mga teammates ko kay Caloy. Ewan ko sa mga 'to, sa lahat yata ng events dito sa office, nagrereklamo sila. Pero kapag mismong event na naman, ayun, sila pa yung pinakamasaya sa lahat.

"Napaka-corny talaga kahit kelan." bulong naman ni Alyssa na nasa tabi ko. Isa pa 'to. Actually, hindi pa kami nag-uusap ng babaeng 'to after nung naabutan nya ako sa kwarto nya na iniiyakan yung picture ni JM. Ayaw nya kasi akong pansinin eh. Lahat ng messages ko, dinededma. Kaya eto, wala syang nagawa nung pinagtulungan sya nila Ara at Myla na iupo sa tabi ko. Napansin kasi siguro nila yung tensyon sa pagitan namin ni Alyssa nung time na nakisali ako sa panonood ng movie.

"So, sino yung pwedeng magrepresent ng team natin para dun sa acoustic duets sa anti-burnout party natin?" tanong na lang ni Caloy na hindi pinansin yung reklamo ng mga tao sa loob ng training room ngayon.

Bigla namang nagsitahimik yung mga maiingay kaninang teammates ko. Eh di natakot sila sa tanong ni TL. Sino ba naman kasi yung gugustuhin na magperform sa harap ng maraming tao diba? Kahit ako siguro, hindi ko kakayanin. At hello, Wednesday na ngayon, sa Friday na agad yung party. Kamusta naman yung pagkangarag namin non diba?

"Any volunteers?" tanong pa ni Caloy pero wala pa ring umiimik sa amin.

Halos nakatungo nga kaming lahat. Ayaw naming tumingin ng derecho kay Caloy dahil baka bigla na lang kaming ituro at pakantahin bigla.

"Okay sige, ayaw nyo? Well, I know someone na marunong talagang maggitara at magaling kumanta. So isa na lang yung kailangan kong magvolunteer." sabay-sabay naman kaming napaangat ng tingin kay TL at napakunot yung noo ko nung nakangiti syang nakatingin sa akin.

The hell?! Papa'no nya nalaman? Wala naman akong sinasabihan na marunong akong---

"Si Dennise?" takang tanong din ni Ella. Kahit sya kasi, hindi pa ako naririnig kumanta. Sila Nanay, Tatay, Bea, at Alyssa lang yung may alam na kumakanta ako.

"No. Napatingin lang ako kay Dennise." nahihiyang sabi naman ni Caloy sabay kamot sa may batok nya.

"Flirt." narinig ko na namang bulong ni Alyssa kaya sinamaan ko sya ng tingin. Ako ba? Ako ba yung nagpacute?

"Ay grabe o." si Ella.

"Ayun naman eh Sir Caloy. Nasa meeting po tayo. Bawal ang harutan." natatawang sabi ni Laura kaya nagsorry ulit si TL. Naiiling na lang na nangingiti ako dahil sa kalokohan nitong mga kaibigan ko. Mga may topak talaga. Parang hindi TL namin yung kausap nila ah.

Pero at least nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko, ako na talaga yung tinutukoy ni Caloy.

"So kung hindi po si Denden, sino po yung tinutukoy nyo?" tanong naman ni Myla.

Magsasalita na sana si TL para sagutin yung tanong pero nagulat kami nang biglang magdabog si Alyssa.

"No! Ayoko!" malakas pa nyang sabi kaya napalingo kaming lahat sa kanya.

Marunong din si Alyssa? Eh bakit kapag pinapakanta ko sya noon, sinasabi nyang boses palaka sya. And nung kumanta sya ng isang beses, wala naman talaga sa tono. Or sinadya nyang iwala sa tono para hindi ko na ulit sya pakantahin?

"Sorry Ms. Valdez pero sinabi rin ni Monica na ikaw yung magrepresent ng team natin kaya wala kang magagawa." Luh, wala na nga syang karapatang tumanggi dahil utos na ni Ms. Monica. Lagot sya don pag nagkataon.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon