Chapter 7

4.2K 179 20
                                    

AN:  Nakatulala na naman ako kay Nicole Labs kanina. Grabe, iba yung cuteness nya pag nagssmile, napapasmile din ako. Hihi. Sana lang talaga sa susunod, makapagpapicture na ako sa kanya. Goodjob Labs! UPfight. Pero mahal ko pa rin naman ang ALE, mas matimbang lang talaga sa puso ko si Labs, hihi. Ang sarap nyang titigan kanina, promise. Haha.

===============================

DENNISE'S POV:

"Nanayyyyy! Tatayyyy! Beiiii! Nandito na kamiii!" bigla naman akong napamulat nang marinig yung familiar na boses na yon galing sa labas.

Tatayo na sana ako pero naramdaman ko na parang may mabigat na nakapatong sa katawan ko kaya napalingon ako sa tabi ko. Ganun na lang yung panlalaki ng mata ko nang makita kong nakayakap sa akin si Alyssa. Hala! Diba may unan na nakaharang sa amin kagabi bago kami matulog? Anong nangyari?

"Besh! Besh!" narinig kong katok sa pinto ng kwarto ko. Pagtingin ko, hindi nakalock, Sh*t!

"Besh, papasok na kami ha!" sabi pa ni Ella.

Bigla akong nagpanic kaya naitulak ko si Alyssa. Pero dahil nakapulupot yung legs nya sa legs ko, napasama ako sa pagbagsak nya. Mas pangit yung posisyon namin ngayon, nakaibabaw ako sa kanya.

"Aray ko naman Lazaro!" reklamo ni Alyssa after naming mahulog.

"Oh my God!" narinig kong sabi ni Ella kaya napalingon kami sa kanila.

Si Ella, ayun nakatakip ng mga kamay sa mata nya pero may space kaya kita nya pa rin kami. Habang sila Laura, Myla, at Ara, nakangisi habang nakatingin sa aming dalawa ni Alyssa.

Hiyang-hiya tuloy akong tumayo at humiwalay sa kanya.

"Uh, Goodmorning?" namumula pa rin ang mukhang bati ko na lang sa kanilang apat.

"Yes naman Baldo. Anong score na? Valdez-2, Lazaro-2 ba?" nakangisi pa ring tanong sa amin ni Ara.

Natawa naman kaming lahat dahil biglang may tumama sa mukha nya na unan.

"Ayan, hindi kasi maganda yung tabas ng dila mo Kulugo eh! Buti nga sa'yo." at syempre, pinakamalakas ang tawa ni Myla.

"Seriously Besh? Hindi talaga kayo naglock ni Alyssa? Papa'no kung parents mo yung nakahuli sa inyo? Dito pa talaga? Habang nasa labas lang sila? Akala ko ba wala kayong nararamdaman ni Alyssa sa isa't-isa? Ano yan, dahil lang sa bugso ng init ng mga katawan nyo? Tapos ano, mabubuntis ka? Tapos pipilitin mo si Alyssa na pakasalan ka? Tapos dahil hindi ka nya mahal, bubugbugin ka lang nya? At malalaglag yung bata sa sinapupunan mo? Tapos maghahanap sya ng ibang babae? At si Laura yon. Tapos ano? Masisira yung pagkakaibigan natin dahil don? Tapos---"

"Tapos hindi ka makakakain ng kahit ano kapag hindi mo pa tinigilan yang ka-OA-an mo." banta ko sa kanya kaya agad naman syang tumahimik.

"Kalma lang kasi kayo. Natulog lang kami ni Lazaro. Hindi na kasi ako pinauwi kagabi nila Tay Cards kaya nandito ako ngayon. At yung nakita nyong posisyon namin? Nabigla ata si Lazaro dahil nakita nya yung magandang mukha ko kaya naitulak nya ako." Paliwanag naman ni Alyssa.

"Eh bakit ka nakapatong sa kanya Den?" tanong naman ni Myla.

"Kasi, nakapulupot yung legs ni Alyssa sa akin kaya yun, napasama ako sa pagkakahulog nya. At yun yung nakita nyo pagbukas nyo ng pinto." nahihiya pa ring sabi ko.

What ifTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon