Chapter 17

4.6K 174 9
                                    

AN: Win or Lose, it's Alyssa, I choose. I love you so much Alyssa Valdez. Excited na akong mapanood ka sa pro-leagues. Kung papa'no kita sinuportahan sa UAAP, ganon din yung pagsuporta ko sa'yo sa kung saang league ka man sasali! Maraming-maraming salamat sa inapirasyon Phenom. Nag-iisa ka! Mahal kita. Mahal ka naming lahat.

O sya, ayokong magdrama at baka maiyak na naman ako dahil kay Ly, haha. Enjoy na lang girls! Mwah! 😘

P.S. Di ko na-edit. Sareh!

=================================

DENNISE' POV:

"Besh, yung nguso mo, abot hanggang dito. Pwedeng pakibawasan yung pagsimangot?" natatawang sabi sa akin ni Ella habang tinitingnan din yung dalawang taong tinitingnan ko ngayon. "In fairness, natutuwa ako na nakikita ko yang pagiging selosa mo ngayon. Akala ko kasi hindi ka talaga marunong magselos eh. At least, napatunayan ko ngayon na normal ka naman pala talaga." sabi nya.

"Sasabi-sabihin na friends lang sila at wala akong dapat ipagselos tapos may pasayaw-sayaw pa sila ngayon sa harap ko. At masyado pang sweet ha, ang sakit sa mata Besh." inis na sabi ko din kay Ella habang masama ang tingin kila Alyssa at Nicole na kanina pa sumasayaw sa gitna.

Nakakainis kase! Kanina lang, sabi nya, ipapakilala nya ako sa Nicole na yan para hindi na daw ako magselos pero anong nangyari? After nya kami ipakilala sa isa't-isa, bigla syang hinila agad ng babaeng higad sa dance floor. At yung isa naman, hindi man lang naisip na magpaalam sa akin. Sumama agad sya dun sa babaeng yon! Tsk.

"Tingin ko naman Besh, friends lang talaga sila. At ikaw lang yung nagbibigay ng malisya sa kanilang dalawa." sabi pa ni Ella na nakahalumbaba na rin habang nakatingin pa rin sa dance floor.

"At papa'no mo naman nasabi yon aber?"

"Kasi Den, yung tingin nila sa isa't-isa, parang tinginan lang namin ni Alyssa eh. Alam mo yon? Yung kaibigan lang talaga, no more. No less." sabi pa nya.

"Eh bakit hindi yun yung nakikita ko?"

"Dahil pinipilit mo nga kasi na maniwala na may malisya sila sa isa't-isa kahit wala naman. Kung sinabi sa'yo ni Alyssa na friends lang sila, ibig sabihin, talagang friends lang sila at dapat maniwala at magtiwala ka sa sinasabi nya." paliwanag pa nya.

"Eh kasi naman Besh! Tingnan mo, ang lapit nila masyado habang nagsasayaw!" reklamo ko ulit. Totoo naman eh, halos yumakap na yung Nicole kay Alyssa ko!

"Eh Besh, alangan namang magsayaw sila na magkahiwalay habang sweet yung music diba? Anong gusto mo, parang naka-arms forward lang sila, ganern?" natatawang sabi nya pa.

"At isa pa Den, narinig ko din na may boyfriend yang Nicole na yan at sobrang gwapo daw kaya wag kang magselos dyan." sabay naman kaming napalingon ni Ella kay Myla nung bigla itong magsalita.

"Gulat kayo no? Di nyo namalayan na papalapit na ako. Masyado kasi yung titig nyo kay Alyssa at dyan kay Nicole." sabi pa nito.

"Pero totoo nga? May boyfriend sya? Yang si Nicole?" tanong ko. Bakit ba? Eh sa gusto kong i-confirm eh.

"Yes yes. At sabi pa nila, wala daw panama yang Alyssa mo sa kagwapuhan ng boyfriend nya. At mayaman din daw, mabait, at ang dami pa nilang sinabing magandang katangian kaya sigurado ako na hinding-hindi yon ipagpapalit ni Nicole dyan kay Alyssa no!" sabi ni Myla kaya napataas yung kilay ko.

What ifWhere stories live. Discover now