alangan akong abutin ung hawak niyang pinggan at agad naman niyang hinila palayo

"alam ko namang di ka kumakain niyan no! eto nalang siguro naman kumakain kana nyan" itlog na maalat naman ang inabot niya

kumakain ako nun buti nalang! wew! kala ko mapapakain nako ng di oras ng tuyo e...

************************************

Matapos kumain ay nagpahinga lang ako ng konti at nagpaalam na para umuwi 9pm narin kasi atmay pasok pa bukas

"tita uuwi na po ako.." paalam ko kay tita na nasa labas ng bahay nila

"sige magingat ka ha..maraming salamat sa paghatid mo dito sa anak ko" umakbay siya kay shane "shane ihatid mo na sa labasan si Franz dalhin mo ang flashlight at madilim"

"opo nay! tara Franz hatid na kita sa labas" yaya sakin ni Shane

sumunod nako sa kanya hanggng makarating sa sasakyan ko

"Shane salamat sa dinner ha" masaya kong sabisa kanya

"salamat din sa paghatid! quits na tayo  nun a" sabi din niya na nakatawa

"sige uwi nako" sumakay na ko sa sasakyan binaba ko saglit ang bintana"bye Shane! pasok kana sa loob baka pagtripan kapa jan ayos nako"

"tange teritoryo ko to sino naman gagalaw sakin dito sige ba babye na!"  kumaway sakin si Shane

agad ko ng pinaandar ang sasakyan para makapaok na din siya sa bahay nila

Masaya ako dahil natatanggap na ni Shane ang pagkatao ko..sana...

pagdating sa bahay ay agad akong nahiga sobrang pagod ko nakatulog nako agad

SHANE POV

hay...pag kailangan ko ng tulong agad na dumarating si Franz para alalayan ako di ko na tuloy alam kung anung nararamdaman ko sa kanya e..parang iba na e..wala na yung inis ko sa kanya dahil sa pagkatao niya nagiging komportable nako sa presence niya..

lecture day namin ngayon sa NCM pero wala si Franz! kanina pa namin siya hinihintay ng tropa dahil may quiz

Oo may quiz kami! at pag wala si Franz pilay ang tropa!! >.< siya kasi ang source ng tropa kapag may ganitong mga quiz at exam aaminin ko magaling siya sa klase namin sila ni Ron magkatabi sila lagi para mabilis nila maibigay sagot samin hihi ngayon si Ron lang ang nandito at alam namin kabado to magpakopya

bhala na nga! magaaral nalang ako para di ako mabetlog kakahiya naman e...

pumasok na dito sa lood si Mr. Sy C.I. namin at tumatayong adviser

"okay class ready na kayo?" tanong niya samin

"hindi pa po sir!!!" sigaw ng mga klasmeyt ko

"oh sige 5 mins pa...teka bakit wala si Franz malabs??" ngiting tanong niya samin

may crush tong C.I. namin kay Franz ewan ko lakas ng dating e at pag nandito yun 20 mins pa binibigay na time samin ni sir asar san kasi nagpunta e

"sir nagtext po may importante lang daw po nilakad kasama parents niya sorry daw kung di sya makakapasok" si kate yung nagsalita

buti pa kay kate nagtetext siya>.< hay bat ko ba iniisip yun! minsan lang naman talaga magtext sakin si Franz pag mangaasar lang!

"a okay sabihin mo bukas nalang niya kunin yung quiz at sabihin mo namimis ko na sya" sabi ni sir at naghiyawan naman mga kaklase ko

tsss grabe kilig na kilig sila e no

"sir  nagreply na O sige daw at miss na miss ka na din daw niya mwah mwah tsup tsup daw!" tawa ng tawa si kate habang sinasabi yun

namula naman bigla si sir sa sinabi na yun grabe a halatang halata na sya hihi kainis pa tong si Franz  sinasakyan pa e! grrr!

imbes na magreview hiyawan nalang ang nangyari sa kalse namin kaya ng lumabas ang result wala halos nakapasa samin!

lunchbreak na namin

parang ang lungkot ng mood ko ngayon ewan ko ba! mamaya makikita ko nanaman si sir maghapon kasi ang klase niya pag ganiong lecture

"psst shane kanina pa nakabusangot jan Oh..." abot sakin ng sandwich mula sa likod

wala talaga akong gana maglunch kaya nagpaiwan ako kina kate ditosa library

pagtingin ko kung sino nagabot ng sandwich sakin

si Franz!! ^____^

ay! ano ba tong iniisip ko! tss nawala agad inis ko naman

"oh bakit di kapumasok kanina?" tanong ko sa kanya di ko mapigilang mapangiti

"ah kasi pinuntahan ko yung resort na bubuksan dito next week punta kayo ha!" sabi niya at parang masayang masaya siya

"ahhh sige ba basta libre yun ha!"

"Oo naman no! kayo pa ba e ang lakas niyo sakin e.." sagot niya

"kainin mo na yang sandwich mo malamang di kapa naglalunch pinuntahan ko si kate sa Bojaks kumakain wala ka run sabi nandito ka" sweet talaga neto kinikilig tuloy ako hihi

bagong discover nila Kate ang bojacks kainan din malapit sa school masarap kasi ang mga sizzling na pagkain nila

wala akong magawa pag si Franz nagsaita napapasunod niya ko. knain ko sa library yung sandwich walang bawal bawal samin dahil kaclose din ni Franz yug librarian dito kaya nakikibatas kami ^_^v

"panno ka makakapasok mamaya ke sir e di ka nakauniform?" takang tanong ko sa kanya

"wag mo na alalahanin yun ako bahala ke sir" nag wink siya sakin at God para akong matutunaw e

di nako sumagot at ngumiti nalang

********************************************

Papasok na kami ng classroom nandoon nadin si sir nagpaiwan naman sa labas si Franz kaya nauna nakong umupo

"Sir goodafter noon sorry po di ako nakauniform may inasikaso po kasi ako" sabi ni Franz sa harap ng pinto at nakahawak sa batok niya

"sige pasok kana malabs ikaw pa ba e malakas ka sakin!" sabi ni sir hiyawan nanaman ang klase namin

lumapit sa kanya si Franz at inabot ang isang pack ng hunny choknat

"sir oh diba fave mo to" sabi ni Franz at inabot kay sir

grabe parang sasabog tong classroom sa sigawan ng mga kaklase ko! pulang pula naman si sir na kinuha yun sa kanya

"t--thankyou umupo kana" hiyang sabi ni sir

ako lang yata ang hindi natutuwa sa kanila ewan ko di sila bagay e! tse!

================================================

THANKYOU SA WALANG SAWANG PAGBABASA!!!  COMMENT NAMAN PO VOTE VOTE NARIN HIHI SALAMAT ILOVEYOU ALL!!

Text From A Stranger (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now