Ikasampung Kabanata

2K 111 99
                                    



Byun Baekhyun.

"Baekhyun, may taning na ang buhay ni Chanyeol. May brain cancer siya at stage 3 na iyon," halos lagutan ako ng hininga sa sinabi ni Suho hyung. Brain cancer? Kaya ba napapadalas ang pagsakit ng ulo ni Chanyeol? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi ko man lang napansin na hindi lang basta-basta iyong pagsakit ng ulo niya?

"A-ano?" Hindi makapaniwalang tanong ni Minseok hyung kay Suho hyung. Kaming tatlo lang ang nandito sa loob ng kwarto namin ni Chanyeol. Hindi pa kasi dumadating iyong iba naming mga kaibigan dito dahil naligaw daw sila.

"C-Chanyeol. . ." Ang tangi kong sambit habang pilit na inaabot ang kamay ng asawa ko sa kabilang kama kahit alam ko namang hindi ko iyon maaabot. "Suho hyung, sabihin mong nagbibiro ka lang," unti-unti ng tumulo ang mga luha ko. Hindi na ba kami mauubusan ng problema? At bakit ganitong problema pa?

Napasabunot na lang ng buhok si Suho hyung. "Tingin niyo ba kakayanin ko pang mag-joke kapag ganito na kaseryoso ang problema? Sabi ng doktor matagal na raw ang cancer ni Chanyeol base sa mga tests na ginawa nila pero nitong nakaraan lang nalaman ni Chanyeol iyon dahil noon lang siya nagpacheck-up," mas lalo akong naiyak dahil hindi ko alam na nagpapacheck-up pala siya kahit wala naman ako.

"Baekhyun. . ." Napalingon ako kay Minseok hyung at niyakap niya ako, pinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at walang humpay na umiyak doon. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. "Maging matatag ka para kay Chanyeol."

Ang daya-daya naman, eh. Ilang unos na ang dumaan saming dalawa pero nalampasan naman namin. Iyong ganitong klase ng problema parang wala na kaming pag-asa pang lampasan iyon. Buhay na ni Chanyeol iyong pinag-uusapan dito eh. Hindi ba talaga namin deserve na maging masaya? Hindi ba namin deserve na magkaroon ng kahit saglit na pahinga sa mga problema?

"Baekhyun. . ." Naramdaman kong hinaplos ni Suho hyung ang buhok ko at nanatili akong parang batang umiiyak sa dibdib ni Minseok hyung. "Sa tagal naming naging kaibigan si Chanyeol, ganito talaga siya. Ayaw niya na nalalaman ng iba na may problema siya. Mas gugustuhin niya na lang na sarilinin iyon kaysa mamroblema pa iyong mga taong mahal niya. Sana maintindihan mo kung bakit niya itinago sayo na may sakit siya."

"At saka Baekhyun," si Minseok hyung naman ngayon ang humahagod ng likod ko. Parang gusto ko na lang matulog ulit dahil nararamdaman ko na naman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko. "Kung maari sana 'wag magbago iyong trato mo kay Chanyeol. Kung paano mo siya trinato noong wala ka pang alam na may sakit siya, gano'n mo rin siya ulit itrato ngayong alam mo na. Hindi makakatulong sa kanya kung ipaparamdam mong mahina na siya," hindi ko na narinig pang muli iyong sunod na sasabihin nila Minseok hyung at Suho hyung dahil tuluyan nang pumikit ng kusa ang mga mata ko.

-

-

"Chanyeol, alam na ni Baekhyun."

"A-anong naging reaksyon niya?"

"Syempre nasaktan siya. Kanina nagising na siya pero nawalan ulit siya ng malay. Iyak lang siya ng iyak. Bakit mo naman kasi nilihim pa? Asawa mo siya, eh."

"Tsk. Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo, Suho hyung. Ayaw ko lang na mag-alala sa akin si Baek."

"Pero hindi ba't mas lalo mo lang pinalala? Kung hindi ka pa naaksidente hindi pa namin malalaman na may ganitong karamdaman ka na pala."

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon