Ikalabing-isang Kabanata

2.3K 137 46
                                    



Byun Baekhyun.

Simula noong lumabas si Krystal at Jessica sa leisure room tahimik lang si Chanyeol. May dalawang oras pa kami bago magsimula ang klase at may kanya-kanyang ginagawa iyong mga kasama ko dito sa leisure room pwera sa aming dalawa. Sa totoo lang nabo-bother ako. Hindi kasi ako sanay na hindi siya nagsasalita o hindi niya ako kinukulit eh. At hindi ako natututawa sa inaakto niya. Tatayo sana ako para lapitan siya kaso parang inaasahan niya iyong gagawin ko kaya mas mabilis siyang nakatayo at nagsabing lalabas muna raw siya. Magpapahangin daw. Napabuntong hininga na lang ako. May nagawa ba ako?

"Hayaan mo na muna siya," napatingin ako kay Suho hyung na seryosong nakatingin kay Kai at Sehun. Kanina pa nagpapractice iyang dalawa na iyan. "Takot kasi sa Daddy niya iyon kaya ganyan siya ngayon."

"B-bakit? Ano ba iyong sasabihin ni Jessica?" Naguguluhan kong tanong.

"Wala akong karapatang sagutin ang tanong mo. Hintayin mo na lang na bumalik si Chanyeol sa dati. Hindi ka rin matitiis niyan. Mahal ka kaya niyan," napangiti ako. Hindi naman kasi iyon ang iniisip ko. Worried lang ako sa kanya.

-

-

Mali si Suho hyung. Maling-mali. Isang lingo na ang nakakalipas simula noong araw na iyon pero hindi bumalik sa dati si Chanyeol. Isang tanong, isang sagot kaming dalawa kapag nagkakaroon ng pagkakataon para mag-usap. Nabalitaan ko ring nakabalik na sa mansion nila si Chanyeol. Hindi ko alam kung bakit pero natuwa na lang ako, at least hindi na niya kaylangang magtiis doon sa apartment niya. Noong dumalaw din kami ni Sehun sa fast food chain na pinagta-trabahuhan ni Chanyeol bigla na lang nalungkot iyong manager nila, nag-resign na raw kasi si Chanyeol. Bukod sa nawalan sila ng masipag na crew, bumaba din iyong sales nila.

Nandito kami sa leisure room ngayon, hinihintay naming dumating si Chanyeol. May practice kasi kami ngayon para sa ipe-perform namin bukas. Oo natuloy kami, ang ganda nga ng tono na nilapat ng kakilala ni Suho hyung eh.

Nagpapaturo ako kay Sehun ng isang step na hindi ko makuha nang biglang pumasok si Chanyeol at hindi siya nag-iisa. Naka-angkla sa braso niya ang braso ni Krystal. Diretso lang ang mukha ni Chanyeol habang si Krystal naman ay halos mapunit na ang bibig sa lapad ng ngiti. At mas lalo kaming nagulat nang biglang hinalikan ni Chanyeol si Krystal. Hindi naman torrid, peck nga lang. Parang hindi pa nagdampi iyong labi nila sa bilis. Ewan ko kung ako lang ba pero nakita kong nakangiting pang-asar sa akin si Krystal? Umiwas na lang ako ng tingin. Naiirita kasi ako kay Krystal.

Jogeuman nalgaetjit neol hyanghan ikkeullim naege ttaraora sonjitan geot gataseo

Aejeolhan nunbitgwa mueonui iyagi gaseume hoeoriga morachideon geunal bam

Medyo malayo ang pwesto ko sa pwesto ni Chanyeol. Si Sehun kasi iyong katabi ko ngayon. Gusto kong makatabi si Chanyeol. Gusto kong tanungin bakit niya ako iniiwasan. Bakit magkasama sila ni Krystal? Bakit niya hinalikan si Krystal kanina?

Omyohan geudaeui moseube neogseul noko hanappunin yeonghoneul ppaetgigo

Geudaeui momjise wanjeonhi chwihaeseo sum swineun geotjocha ijeobeorin nainde

Walcheucheoreom sappunhi anja nuneul ttel su eobseo siseoni jayeonseure georeummada neol ttaragajanha

First shifting namin at nahuli kong napatingin sa akin si Chanyeol habang lumilipat sa pwesto ni Suho hyung na nasa likuran ko lang. Nginitian ko siya pero hindi niya iyon ibinalik. Akala ko kasi ako iyong tinitignan niya, si Krystal pala. Medyo nadistract pa nga kami nang bigla siyang tumili.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon