Ika-siyam na Kabanata

1.8K 104 83
                                    



Park Chanyeol.

Malapit ng magdilim nang mapagpasiyahan naming bumalik sa cottage. Kahit na nakakaramdam ako ng sobrang pagsakit ng ulo kanina ay hinayaan ko na lang si Baekhyun na maglibot-libot pa sa dalampasigan dahil baka hindi ko na ito magawa pang muli para sa kanya. So why not seize the moment? Minsan lang naman siya mag-request sa akin.

Pagdating namin sa cottage, hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o may anim na lalaki talagang nakaupo sa harap ng cottage namin at may mga dala silang mga bag. "Chanyeol! May tao sa cottage!" At hindi nga ako nagkakamali, may tao talaga kaya dali-daling tumakbo si Baekhyun papunta sa kanila. Gustuhin ko mang tumakbo kaso hindi ko na gano'n kayang kumilos ng mabilis, pahina na ako ng pahina.

Dadampot na sana ako ng bato kung sakali mang magnanakaw iyong mga taong iyon nang biglang niyakap nila isa-isa si Baekhyun at doon ko na napagtanto na mga kaibigan pala namin sila. Sina Sehun, Jongin, Jongdae, Kyungsoo, Minseok hyung, at Suho hyung iyong mga nakaupo sa tapat ng pintuan ng cottage namin ni Baekhyun.

"Anong ginagawa niyo dito, hyung?" Tanong ng magaling kong asawa kay Suho hyung habang binubuksan iyong pintuan ng cottage. Nakatayo lang ako ng medyo malayo sa kanila dahil nanghihina ako at sumasakit na naman ang ulo ko.

"Birthday kasi ni Chanyeol ngayon, diba? Kaya sumama na kami kay Sehun papunta rito," napansin naman ata nilang wala ako sa tabi nila kaya nagpalinga-linga sila ng tingin at napako ang mga mata nila sa akin.

Sinubukan kong wag ipakita na may nararamdaman ako at naglakad na ako papalapit sa kanila. "Eto na pala si birthday boy, eh!"

"Nag-abala pa kayong pumunta dito," inakbayan naman ako ni Jongdae at bahagyang napababa iyong balikat ko dahil sa bigat ng mga bisig niya.

"Jongdae, bitiw. Pagod ako," pero ang totoo, hindi na kaya ng katawan ko ang mga mabibigat na bagay at gawain. Lumalala na ang sakit ko.

"Arte naman nitong si Tenga!" Hindi ko na lang siya pinansin at nag-diretso na sa loob.

-

-

Hindi kami kasya sa cottage na ito kaya nag-renta ng mas malaking cottage si Suho hyung na kakasya kaming walo. Pamilyang-pamilya na talaga turing niya sa amin dahil ayaw niyang magkaka-hiwalay kami kung pwede naman kaming magsama-sama. Sana alagaan nila si Baekhyun kapag wala na ako.

Hindi ko alam kung napapansin ni Baekhyun iyong paghina ng katawan ko kasi kahit na ipinagbabawal sa akin ng doktor na gawin iyong mga mabibigat na bagay ay ginagawa ko pa rin kapag kasama ko siya. Medyo nawawalan na rin ako ng gana kumain, pinipilit ko lang na ubusin lahat ng mga nilalagay niya palagi sa pinggan ko pero kapag tulog na siya, tsaka ko sinusuka lahat ng iyon dahil hindi na kaya ng sistema ko ang sobra. Medyo pumayat na rin ako, iniiwasan ko lang na magsuot ng mga damit na magmumukha akong payat. Ang alam kong nahahalata lang ni Baekhyun ay iyong madalas na pagsakit ng ulo ko kasi hindi ko naman maitago dahil sobrang sakit, parang binibiyak iyong ulo ko. Hindi rin alam ni Baekhyun na nagpapacheck-up ako kapag hindi ko siya kasama. Ilang linggo na ang nakaraan pagtapos akong sabihan ng doktor ko na diagnosed cancer patient ako. Stage 3 na ang brain cancer ko at pinili kong hindi ipaalam kay Baekhyun iyon dahil nagsisimula pa lang ulit kami, ayaw kong masira na naman iyong bagong kami dahil sa sakit ko.

Napagpasiyahan naming magkakaibigan na magkaroon ng kaunting salo-salo ngayong gabi. Lahat sila abala sa pagtulong kay Baekhyun at Kyungsoo na magluto kaya ako ang inutusan nilang bumili nga mga iinumin namin. May nakita naman akong tindahan dito kaso kaylangan ko pang lumabas ng resort dahil nasa kabilang kalsada pa iyon. Nasa gitna ako ng paglalakad nang bigla na namang sumakit ang ulo ko at hindi ko na matandaan iyong daan papalabas ng resort. Bukod sa paghina ng resistensiya ko, pagkawala ng gana sa pagkain, pagsakit ng ulo, at panghihina ng pangangatawan, nagiging makakalimutin na rin ako. Sabi ng doktor ko parte raw ng pagkakaroon ng brain cancer ang pagkawala ng memorya pansamantala at kung maari, pwede nang tuluyang mawala ang memorya ko.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon