Ika-anim na Kabanata

2.5K 123 104
                                    



Byun Baekhyun.

"Chanyeol!" Napapiyok ako nang maramdaman kong gumalaw iyong daliri ni Chanyeol na nakapatong sa kamay ko. Halos tumalon naman ako paibabaw sa kanya nang makita ko na unti-unting bumukas iyong mga mata niya. "Chanyeol! Gising ka na!" Natataranta akong akmang tatayo mula sa pagkakaupo pero naramdaman kong hinila ako ni Chanyeol pabalik sa upuan at mataman niya akong tinitignan. Kung pwede lang siguro akong matunaw, natunaw na ako dahil sa sobrang intense ng pagtingin niya sa akin ngayon.

"S-saan ka pupunta?" He asked with a crooked voice kaya inabot ko iyong bote ng tubig sa kanya at hinayaang inumin iyon. Nakakaawa ang sitwasyon niya ngayon sa dami ng pasa niya sa mukha at halatang nanlalambot pa rin siya sa sakit ng katawan niya kahit na isang buong araw siyang tulog.

"I-ipapatawag ko iyong doktor? S-sabi niya kasi tawagin ko siya kapag nagising ka na," pero hindi binitawan ni Chanyeol ang kamay ko at umiling lang. "Chanyeol, saglit lang. Malapit lang naman iyong headquarters ng mga nurse dito sa kwarto mo eh."

"'Wag na. Dito ka lang sa tabi ko," and that made me shut up kaya naupo na lang ako sa tabi niya. Sinundan ko naman ng tingin iyong kamay niya nang biglang may pinindot siyang button sa gilid ng higaan niya. "Hi, this is Park Chanyeol, the patient inside room 506. I'm awake right now."

Napakamot ako ng ulo dahil hindi ko napansin iyon kanina. Naramdaman kong ginulo ni Chanyeol iyong buhok ko kaya saglit akong napapikit, sinusubukan kong damdamin iyong kamay niya sa buhok ko dahil ngayon lang ulit kami naging ganito. "Tsk. Hindi mo kasi ginagala iyong mata mo eh."

"M-malay ko ba! Hindi naman kasi ako taong ospital eh," napaiwas na lang ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga tinginan ni Chanyeol. Ayos na ba kami? "Kamusta na pala pakiramdam mo?"

"Medyo mabuti-buti na naman. Kaso medyo namamanhid pa rin iyong mukha ko at iyong parte ng tiyan ko na sinipa ni Daehyun. Gago talaga iyon! Hintay lang siya kapag gumaling na ako, gagantihan ko siya!"

"Language, Chanyeol," hindi ko na lang pinansin iyong panggagalaiti niya kay Daehyun bagkus, ipinagbalat ko siya ng mansanas na dinala nila Kai at Suho hyung kahapon noong dumalaw sila rito. Nasabi rin nila na babalik na sila sa Pilipinas ngayong gabi samantalang pupunta naman dito sa China si Sehun sa makalawa para magbakasyon ng isang linggo.

"Baek. . ." Napatigil ako sa paghihiwa nang marinig ko iyong nagsusumamong boses niya. Ngayon niya lang ulit ako tinawag ng ganyan simula noong bumalik ako, sobrang miss na miss ko na iyong dating kami. Hindi ako nagsalita pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Sana naman hindi bad news itong lalabas sa bibig ni Chanyeol ngayon. "S-sorry."

Nginitian ko siya at binitawan iyong hawak kong mansanas. Naupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan iyong isa niyang kamay habang hinahaplos ko naman iyong malambot niyang buhok. "Wala iyon. Naiintindihan ko naman."

Nginitian niya rin ako bilang tugon at pinilit na maibangon iyong sarili niya mula sa pagkakahiga. Nagulat ako nang bigla niyang hinalikan iyong dalawa kong kamay at binigkas ang mga salitang matagal ko ng hinihintay na lumabas sa bibig niya. "I love you so much, Park Baekhyun. Handa na akong kalimutan lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Forgive me for all I have done to you and let's start anew."

Nakatulala lang ako sa kanya habang unti-unting bumubuhos iyong mga luha galing sa mata ko. Nakikipag-ayos na siya sa akin? Pinapatawad na niya ako? Matagal kong hinintay na dumating itong araw na ito kaya siguro hindi ako makagalaw sa kinalalagyan ko ngayon dahil sobrang nagbubunyi ako sa loob-loob ko. Sa wakas, tapos na rin ang paghihirap ko. Sa wakas, naputol na iyong nararamdaman kong guilt dito sa loob ng sistema ko. Napapikit na lang ako nang ipinulupot ni Chanyeol iyong mga kamay niya sa bewang ko at mas nilapit pa ang mukha niya sa akin hanggang sa nagdampi na ang mga labi namin. Naramdaman ko na rin na medyo nanginginig na si Chanyeol kaya pasimple akong dumilat only to see his crying face. Umiiyak din siya. Alam ko sa sarili ko na sobra akong nahirapan pero hindi ko rin inalis sa isipan ko na nahihirapan din si Chanyeol dahil sa kagagawan ko kaya hindi ko kayang magalit at kamuhian siya ng tuluyan. Sure, nagalit ako sa kanya sa muntik niyang pagpatay sa akin pero diba ako pa mismo ang sumundo sa kanya sa bar at ako pa mismo iyong nagtanggol sa kanya laban kay Daehyun? I guess, love can make everyone fool and I know that this love is always worth the pain.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon