''aray sadista to!''

''Akin na nga yan''

Kinuha ko sa kanya yung pagkain ko tapos lumabas na ako ng canteen habang kinakain ang aking piattos :) .

Walang klase eh. May urgent meeting ang mga teahers.

Haist . Problemado na naman ang puso ko.

''PSSSSSST''

OH? sino yun? ay tange bat naman ako  lumingon eh di naman ako aso.

Binawi ko na lang ang paglingon ko. Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko habang dinudurog ng bunganga ko tong kinakain ko.

"PSSSSSSSSSSST''

ah bahala ka jan kung sino mang nilalang ka.

*POINK*

Aba't nambabato ah.Magkasalubong ang kilay ko nung nilingon ko siya.

Di ko makita kung sino eh.Nasa Loob kase ng classroom.

Langya tong taong to walang mapagtripan.Mapasukan nga.

Pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom Hindi ko na kinilala ang nanistsit sakin. Agad ko siyang hinampas sa noo.

''PU------shit''

''anong pusit? may mapusit pusit ka pa jan ah!''

''ANO BANG PROBLEMA MO?!?'

''yang paninitsit mo ang problema ko. hindi naman ako aso eh''

''tsk sakit nun ah'' habang sinasapo sapo niya yung noo niya na hinaps ko.

Medyo huminahon na ako kaya nakilatis ko na ng tuluyan itong si mr.SItsit.

Teka teka teka .Pamilyar siya sakin ah. Di ba siya yung?

WAAAAAAAAAAAAAAH!!! Oh no !! yung yung ka-kaibigan ni ni SEAN?!?!?!?!

Patay!!!

''di-di ba?''

''shhhhhhhhhh wag kang maingay''

Isinara niya yung pintuan ng classroom.

Hinarap niya ako.At huminga siya ng malalim.

''kailangan ko ng tulong mo??''

''huh? ah ano? HUH???!''

''ah malaking favor ang hihingiin ko sayo''

Teka anong malaking favor di kaya??! OH NO?!?! Hindi pwede

''hindi pwede'' mabilid kong sagot. Kahit sobrang lakad na ng kabog ng dibdib ko naglakad loob na lang akong dabihin yun.

''Ito lang naman eh''

Yung mga mata niya nakikiusap.

''pepermahan mo lang to''

Nilabas niya sa bulsa niya ang isang puting papel na nakatupi.Ano bang meron sa mga papel na puti ngayon ah.Object of the day?

Binuksan niya yung papel tapos pinakita niya sakin yung Pepermahan ko.

''teka nga.bakit ako?''

''Ikaw lang yung dumaan kanina eh''

''bakit ko pepermahan?''

''tsk aish. kasi po ibibigay mo yan sa coach ko''

''bakit?''

Kinagat niya yung lips niya sabay suklay ng mga daliri niya sa buhok niya na parang naiirita na.

''pipirmahan mo lang naman eh. jan oh''  turo niya dun sa taas nung pangalan.  "oh eto ballpen'' Binigay niya sakin yung ballpen.

Tinignan ko lang naman siya ng masama.

Humanda ka! PIPIKUTIN kita!Where stories live. Discover now