Pagdating ko dun ay nahanap ko agad kong saang section ako.

"Louie Ackerman?" napatingin ako dun sa nagsalita.

"Sino kaya to?" tinawag niya yung best friend niya.

"Bess kilala mo ba tong Louie Ackerman na to?" Sino kaya tong babae nato ba't gustong gusto niya akong makilala? Hayaan na nga.

"Ackerman? Diba surname yun ng may ari ng Felix Corp? Bat mo na tanong?" Felix Corp? Felix? Sh*t pangalan yun ni lolo ah.

"Curious lang kasi ako kung sino tong Louie Ackerman nato," sabi nito sa best friend niya.

"Hayaan mo na yan best punta na tayo sa classroom baka kasi malate pa tayo." tumingin sakin yung babae bago umalis sa katunayan nga eh eye to eye contact yun.

Sfx: krrrrriiiiiinnnngggggg (tunog ng bell)

Sh*t late na ko dali dali akong tumakbo papunta sa classroom ko, section 2-A pala ako.

Pagpasok ko sa room ay pinagtitinginan ako ng lahat.

"Your 15 mins late!" Sigaw sakin ng babae na nasa mid 20 palang, siguro ito ang Prof. namin.

"Sorry po ma'am naligaw po kasi ako." pagsisinungaling ko.

"Ok patatawarin kita ngayon pero next time na malelate ka pa dadalhin na kita sa principal office." hayys malas naman na buhay to.

"Opo ma'am di na po mauulit." pinaupo na niya ako.

"Ok pwede ka ng umopo." pumunta na ako dun sa bakanting upoan.

"Ok class ako nga pala si Ms. Irish Roxas, ako ang magiging adviser niyo at Prof sa English." Sabi na nga ba siya ang migiging Prof. namin.

"Ok nagpakilala na ako so ngayon naman kayo naman magpapakilala." Isa-isa ng nagpakilala ang mga classmate ko.

"Hi ako nga pala si Athena Marie Sandoval, 17 years old at sana maging friends tayo" *smile* siya yung babae kanina ah so Athena pala ang pangalan niya.

Pagkatapos niya ay yung best friend naman niya ang sumunod na nagpakilala.

"Hi guys! Ako nga pala Christine Delos Reyes, 17 years old din ako at favorite hubby ko ang paglalaro ng volleyball yun lang salamat." *smile* maganda naman siya pero mas maganda si Athena.

Sunod sunod na nagpakilala sila hangang yung katabi ko na ang nagpakilala kaya kinabahan na ako dahil ako na ang susunod.

"Ok ikaw naman." Tinuro ako ni Prof.

Nagtinginan lahat ng classmate ko nung tumayo ako, marami akong naririnig na bulongan kaya lalo akong kinabahan.

"Sino kaya siya?" girl one.

"sh*t ang gwapo niya bess." Bulong ni Christine kay Athena.

"Oo nga bess kaso nga lang para siyang mahiyain at nerd." Athena.

Shit kinakabahan na ko lalo nito tsk! Bahala na nga nakaya ko naman dati.

"H-hi a-ako ng pala s-si Louie Ackerman bago lang ako dito sa school na to kaya sana maging mabait kayo sakin." Uupo na sana ako nang bigla akong tinanong ni Prof.

"Saan ka pala nag junior high?" Tanong niya sakin.

"Sa St.Peter High School po." sabi ko sa kanya.

"Ba't ka lumipat dito Mr.Ackerman?" tsk! Puro tanong naman nakakasawa na.

"Dahil po sa work ng Mother ko po." pagsisinungaling ko.

"Ok pwede ka ng umopo." pinaupo na niya ako.

Dragon World Online: Rise Of The Dragon GodWhere stories live. Discover now