Special Chapter 3: Usapang buhok

Start from the beginning
                                    

 

I rolled my eyes. “Mia naman, please?”

 

“Mukha mo please. Labas na nga!”

 

Sinamaan ko muna siya ng tingin at lumabas na ng room para tawagin si Tito.

 

“TITO RIC!” Sigaw ko habang naka-tayo dito sa labas ng kwarto ni Mia.

 

Maya-maya din dumating na si Tito.

 

“Oh bakit Li?”

 

Pinakita ko yung mga damit ko.

 

“Ayaw suotin?” Tanong niya.

Umiling lang naman ako.

 

Bumuntong-hininga siya at kinuha yung mga damit ko. “Akong bahala dito.”

 

Napa-ngiti ako ng malaki. “Yiie! Thank you Tito!”

 

Nag-aprub sign lang naman siya at pumasok na sa room ni Twin.

 

Eto ang Plan B ko, alam ko kasi na pag si Tito Ric na, susunod na agad si Mia.

 

Di na ako pumasok, nakinig na lang ako dun sa labas. Maya-maya rin, narinig ko na ang boses ni Mi.

 

“AYOKO NGA TITO!”

 

“Mia…”

 

“AYOKO NGA SABI!”

 

“Mi…”

 

“ANO?! TITO NAMAN ANG KULIT EH!”

 

“Ayaw mo talaga? Sige, eh di walang longboard.”

 

My smile got bigger. Sabi na eh! After ng ilang seconds, nagsalita na ulit si Twin.

 

“Bakit niyo ba ako pinipilit na suotin ‘tong mga ‘to?”

 

“Basta! Pero eto promise ko sayo, pag sinuot mo ‘to, magiging masaya ka. Promise!”

 

“Tss. Yan din yung sinabi ni Amelia kanina.”

Ako si Mia.Where stories live. Discover now