xviii. u y e r o

658 29 3
                                    

S h a t t e r e d   M e m o r i e s
Kyrian18

U Y E R O

NAKADILAT ANG MGA MATA ni Marianne habang nakatitig sa malawak na kisame na may natatanging disenyo. Mahimbing ang kaniyang pagtulog sa malambot niyang hinihigaan.

Malayo sa malaking bahay na kaniyang tinitir'han, napupuno ito ng iba't-ibang uri ng mga hiyas na may samu't saring mga kulay. Sa pinakasentro ng kisame ay matatagpuan ang kaniyang repleksiyon dulot ng bilugang salamin na sinadyang idinikit doon.

Nasa lupain na siya ng Uyero at hindi niya mawari kung nasaan na ba iyon o nasaan na nga ba talaga siya.

Sinadya pa niyang kusutin ang kaniyang mga mata para paniwalain ang sarili na nananaginip lamang siya, ngunit naging bigo si Marianne. Walang nagbago. Nandito pa rin siya na nakahiga sa magarang silid na ito. Kahit ano'ng pagpupumilit niyang isipin na kathang-isip lamang ang lahat, batid niya na tinatanga na lamang niya ang kaniyang sarili.

Kay hirap mang paniwalaan subalit kailangan na niyang maniwala. May ibang mundo, bukod pa sa kaniyang nalalaman. May kapangyarihan si Eliott. May mga kawal at mga prinsipe. May lumulutang na palasyo. May lagusan sa pagitang ng dalawang mundo.

At si Elliott ang tanging patunay na totoo ang lahat ng kaniyang nasasaksihan.

"Binibining Marianne." Isang boses ng babae ang kaniyang nadinig sa may hugis bilugan na pinto. Kasabay nito ang tatlong sunod-sunod na mahihinang katok. "Gising na po ba kayo? Papasok na po kami."

Bago pa man makahuma si Marianne kung paano nito nalaman ang kaniyang pangalan, dahan-dahan nang nagkakaroon ng awang ang pintuan na iyon. Unang bumungad ang dalawang babaeng yumuko kaagad sa kaniya. Nakasuot sila ng purong puti na bestida. Ang isa sa kanila na pawang kasing-edaran niya ay may bitbit na mga pagkain. Ang isang babae naman na medyo morena at maiksi ang buhok ay may mga bitbit na mga tela.

"Bumangon na ho kayo, Binibining Marianne. Ilang sandali na lamang ay pupunta na rito ang mahal na Prinsipe upang masilayan ka."

Napakunot ang noo ni Marianne sa sinambit nito. Masyado pang maaga. Ni hindi pa nga sumisikat ang araw.

Ibinaba kaagad ng babae ang bitbit nitong pagkain sa maliit na mesa, na matatagpuan sa kanang bahagi ng higaan. Pagkatapos doon ay dali-dali itong kinuha ang kaniyang makapal na kumot sa kama, na para bang wala siya roon. Nanlaki ang mga mata ni Marianne nang mapagtantong wala siyang kasaplot-saplot.

"Nasaan ang mga damit ko?" tanong ni Marianne, habang nakaupo sa kama at tinatakpan ang mga maseselan bahagi ng kaniyang katawan.

Papalit-palit ang kaniyang sulyap sa dalawang babae samantalang inaalala ang huling pangyayari kahapon.

Nagkita sila ni Yino sa kagubatan. Malalim na ang gabi nang makarating sila sa palasyo ng Uyero. Pagkatapos ay wala na siyang maalala pa.

Sapantaha ni Marianne ay nakatulog siya sa labis na pagod.

"Nilalabhan na po, Binibining Marianne. Inutusan kami ni Prinsipe Yino na labhan ang iyong kasuotan," sagot ng babaeng tinutupi na ang kaniyang kumot.

Lumapit ang isa sa kanila na may bitbit na mga tela. "Tumayo na kayo riyan, Binibining Marianne. Kami na ang magbibihis sa iyo."

"Teka . .  Teka . .  P-Puwede bang ako na lang?" pagtutol niya. Hindi siya sanay sa ganitong pamamaraan. "Lumabas na kayong dalawa. Ako na ang magbibihis sa sarili ko. Kaya ko ring pakainin ang sarili ko. Hindi niyo na kailangan pang gawin ang mga ito. At isa pa, hindi pa naman siguro ako baldado."

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon