Ikawalong Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

-

-

Patuloy lang kami sa paglalakad nang madaanan namin ang isang souvenir shop dito kaya madali kong hinila si Chanyeol papasok doon kahit na nagpupumiglas siya dahil hindi niya raw trip ang mga ganitong bagay pero wala naman siyang nagawa kundi samahan ako kasi kapag iniwan niya ako, maliligaw ako pabalik ng nirentahan kong room para sa amin.

"Akala ko ba ayaw mo dito pero bakit ang dami ng laman niyang basket mo?" Panunukso ko sa kanya. Pagkapasok kasi namin dito agad niya akong iniwan at nagtungo sa isang bahagi ng shop at pagbalik ko sa kanya, halos mapuno na niya iyong basket na hawak niya. Iyong akin nga wala pang laman kasi wala naman akong magustuhan na bilhin dito.

"Malay ko bang may sections ng Rilakkuma dito," sagot niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. At oo nga, adik nga pala sa Rilakkuma itong si Chanyeol. "Tingin mo, bibilhin ko ba ito o 'wag na?" tanong niya habang winawagayway sa harap ng mukha ko ang isang box ng Rilakkuma band aid.

"Kapag sinabi ko bang 'wag mong bilhin dahil wala ka namang paggagamitan niyan, papayag ka?" Mabilis naman siyang umiling at naglagay ng dalawang box ng Rilakkuma band aid sa basket niya. "Psh. Kita mo na."

"Pagpasensyahan mo na, ito lang naman ang nag-iisang luho ko sa katawan at saka wala naman kasing ganitong klase ng boutiques sa Pilipinas," nakasunod lang ako sa kanya habang parami ng parami iyong laman ng basket niya kaya kumuha na ako ng isa pa dahil hindi pa siya nangangalahati sa section ng Rilakkuma ay puno na iyong hawak niyang basket.

"Obvious nga. Iyong boxers mo kagabi may design na Rilakkuma," parehas naman kaming namula sa sinabi ko. Ano ba! Hindi ko naman sinasadya eh! Pero kung titignan kasi si Chanyeol base sa panlabas niyang anyo, hindi mo talaga mahahalata na may obsession siya sa mga ganito.

"Park Baekhyun. . ."

"O-oo na! Hindi ko naman sinasadya eh!" Inirapan na lang niya ako at nagpatuloy sa paglalagay ng mga Rilakkuma stuffs sa basket niya. Binilhan niya rin ako ng damit katulad ng binili niya para couple shirt daw namin tapos ang dami niyang binili na Rilakkuma stuffed toy mula sa pinakamaliit hanggang sa mga normal sizes na stuffed toys, ilalagay niya raw sa kwarto namin at iyong iba naman daw ay idi-display niya na lang.

"Wala ka bang bibilhin?" Tanong niya habang pinapanood ko na i-register ng cashier iyong mga pinamili niya.

"Wala naman akong nagustuhan eh. At saka iyang binili mo pa lang baka hindi na natin mabitbit lahat sa dami," sa maniwala kayo at sa hindi, nakalimang baskets kami at punong-puno iyon. Lahat kasi ng nakita niyang may Rilakkuma binili niya at hindi pa siya nakuntento sa isa, dala-dalawa pa iyong binili niya.

"Bakit kasi ang dami, Yeol? Sayang pera, oh."

"Ibibigay ko kasi iyong iba kela Minseok hyung, Suho hyung, at Sehun," hindi ko na lang siya inasar dahil sa sobrang pamumula ng tenga niya. Hindi ko naman alam na kinaaadikan din pala nila hyung at Sehun iyong Rilakkuma.

"Ouch!" Nasagi ako ng pintuan at napaupo doon dahil sa babaeng pilit na sumingit papasok noong palabas naman ako kaya nabitawan ko iyong isang plastic bag na naglalaman noong mga stickers, band aids, key chains, at mga magagaan na pinamili ni Chanyeol.

"Baek!" Nakita ko kung paano mabilis na binitawan ni Chanyeol iyong apat na plastic bags sa kamay niya at dali-daling hinawakan iyong pintuan bago pa man ako maipit ng tuluyan.

"Ayos ka lang?!" Tumango ako at tinulungan niya akong magpagpag ng tuhod na nadumihan dahil nakashorts lang ako ngayon.

"Chanyeol! Iyong mga pinamili mo kinukuha ng mga bata!" Pagturo ko sa mga batang nagtatakbuhan palayo sa amin habang dala-dala iyong mga bags na naglalaman ng Rilakkuma stuffed toys.

[COMPLETED] Untouchable BTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon