Chapter 69 ✔

36.9K 475 118
                                    

Bigla syang napaupo.

"Johnny? Teka? Ayos ka lang ba?" Nakahawak sya sa may tagiliran.

Yung may banda sa appendix..

AYY!! Yun ba yun?

Yung sa may kidney ata yun..

Kung ano man yun!

Wala akong pakelam!

"Johnny?" Pinipilit kong i-angat yung ulo nya..

"Sorry.. hehe, sumakit lang.. O? Tara?" Tumayo na sya tapos ngumiti.

"J-johnny.. Ayos ka lang ba talaga?"

"Hmm? Oo.. sumakit lang..Tara na, hindi ka nagpakita sakin ng isang buong taon.. kaya babawiin ko yun." Sabi nya sakin. Pinagbuksan pa nya ko ng pinto.

Pinunasan ko naman muna yung muka ko bago pumasok.

Tumitig lang ako sakanya.

"Johnny.."

Hinawakan nya kamay ko tapos ngumiti sya..

Muka naman ayos sya kaya ngumiti na ko sakanya..

"Alas-dose medya na nang madaling araw..saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.

"Hmmm?" Hininto nya yung sasakyan tapos humawak pa sya chin nya na kunwari nag-iisip.

"Ahh! Alam ko na! Amusement park tayo." Sabi nya tapos dinala nya nga ako sa amusement park :D

Wahahahahaha :))

Ang Kulit nya eh!

"Sarado naman . :P" Sabi ko sakanya na may pang-aasar na tono.

"Sino may sabi?" Tanong nya sakin..

-______-

OBVIOUS NAMAN EH ..

NAKALAGAY SA GATE OH!!

"CLOSED"

"Kami may-ari nito. Kaya pwede tayong pumasok." Sabi nya tapos hinatak ako papasok.

May churvaeklabubu syang ginawa kaya bumukas yung mga ilaw.

0________________0??

"J-johnny.." Sabi ko.

Bakit ganito?

Bakit?

"Akala ko nga hindi kita madadala dito, akala ko hindi ka pa uuwi. Pero inayos ko parin.. Nagbaka sakali lang ako, hindi ko naman alam na--"

"I LOVE YOU!" Sigaw ko sakanya tapos niyakap nang mahigpit..

May mga ilaw sa ground.

'HAPPY BIRTHDAY KYOU'

Paano nya napagkasya yun?

Ahahahaha :))

"Dahil nag-effort ako, may isa akong pabor sayo." Sabi nya.

"Ano yun?" Tanong ko sakanya.

May itinuro sya.

"Ayaw >3<." Sagot ko kagad sakanya.

"Kyou -__-" .

Napalunok akoo.

Makakaya ko bang sakyan yang Ferris Wheel ulit??

"J-johnny..Kasi ano--"

"I'm here ^__^ Trust me, gusto ko kasi na.."

Tumingin ako sakanya.

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon