Chapter 30 ✔

43.9K 634 29
                                    

"Kilala nyo naba yung isa't-isa?" Tanong ni Tanda.

"Obvious ba?" Sagot ko , pero mukang nagulat si Johnny sa inaasal ko.

"Dad, Yung dahilan kung bakit ako laging nasa labas at yung mga lumabas na pictures na may kasama akong babae..."

Tinignan ko lang sya, malay ko ba sa sasabihin nya.

"Sya yun.. Hindi ko naman kasi alam na...." Di na sya pinatapos ng Daddy nya.

"Araso, Araso. :)" Tsaka pa sila ngumiti.

Nag-usap lang sila tungkol sa engagement party namin.

HINDI KO LUBOS MAISIP NA..

SYA?

ANG FIANCEE KO?

ANG SABI NILA SAKIN.

MABAIT, MAY GALANG.

=________= SINUNGALING.

Kabaligtaran lahat ah! =____=

HMFFPT!

"Sir, dumating na po yung ibang bisita." Sabi nung katulong nila.

Agad-agad naman tumayo yung tatlong matatanda, Syempre kasama si mommy dun.

Kaya ito. Naiwan kaming tatlo.

"OMO?! IS THIS REAL? SYA PALA YUNG NASA STUDIO MO DATI?" Sabi ni Sandra.

Napatingin ako sakanya, grabe yung mga mata nag change into diamonds. :)

Pero ang cute nya talaga as in.

"Kate lumayas ka nga dito!" Sabi ni Johnny.

-_____- yan nanaman sila.

"Napaka mo! hmpft! sige Kyou, alis na muna ko ha." Sabi ni Sandra.

"DON'T CALL HER KYOU!" Sigaw ni Johnny.

-_____-

"At bakit?"

"Kasi ako lang pwede! sige na alis na!"

Nag-roll eyes lang si Sandra at umalis.

Natutuwa ko kapag naririnig ko silang nag-aaway.

"You're so mean to her." Sabi ko.

"Ha? Ako pa? Tss, try mo kasi syang pakisamahan sa bahay, Pareho kayo!" Sabi nya na yung tono nya nagtatampo.

"Pareho kami?"

"OO! Pareho kayong AMAZONA!" Sigaw nya.

A-ano?

A-amazona?

ABA NAMAN OH!!

"Anong sabi mo----"

Hinigit nya ko papunta sa tabi nya tapos umakbay..

Sige galitin lang ako..

"Oops, I think kailangan natin bigyan nang Privacy yung dalawa." Sabi ng Daddy nya.

Bumalik na pala sila, Pero umalis ulit.

"Bitiw-bitiwan mo nga ako!!" Tumayo pa ko sya naman tumawa lang.

"Hindi ko aakalain na makikita kitang ganyan ang ayos mo. WAHAHAHAHAH" Tska pa talaga sya tumawa ng todo.

>///////////////<

Nag-init yung muka ko.

"Le-Letse ka! Uma-Um-UMAYOS KA NGA!" Naglakad na ko papasok sana ko sa loob pero hinigit nya ko ulit.

Why Can't It Be? [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon